Chapter 12- I love you

1466 Words
“Kumusta ang apo ko?” agad na bungad ng lolo ni Nikki nang bisitahin niya ito. Inabot niya ang isang kamay nito atsaka siya nagmano. “She’s fine, Lolo. Ginagawa ko naman po ang lahat para mahulog ang loob niya sa akin.” “Good. If you feel the need to take advantage on the situation then do it, I won’t mind. Alam ko namang hindi mapapahamak sa’yo ang apo ko.” Napangiti si Cedric. “ Nagtatrabaho po siya sa akin ngayon bilang secretary ko.” “Madaliin mo na ang lahat, Cedric. Naiinip na ako. Gustong gusto ko nang makita ang mga magiging apo ko.” Natawa si Cedric. “Relax, Lo. Darating po tayo riyan.” Hapon nang mamataan ni Nikki na paparating si Cedric kasama si Trisha kaya agad siyang napaayos ng upo. Hindi siya pinansin ni Cedric pero nginitian siya ng babae nang dumaan ang mga ito sa harapan niya. Napatiimbagang si Nikki, ramdam niya ang kabog ng dibdib niya noon lalo nang matanaw niyang ibinababa ni Cedric ang blinds. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito noon. “Sanay ang mga tao ko na nakataas ‘yan. Kapag ibinaba ko ‘yan , iisipin nila na may gagawin tayong kakaiba.” “Bwisit! Ano kayang gagawin ng mga ‘yon?” nakatulis ang ngusong bulong niya. Iniwang nakaawang ni Cedric ang pintuan kaya dinig niya ang tawanan ng dalawa na parang naglalampungan. Nagdadabog na dinukot niya ang earphone sa bag atsaka niya ipinasak sa tainga niya. Itinodo niya ang sounds na pinakikinggan para hindi niya marinig ang dalawa. “Akala ko pa naman may something na sa amin,” nagdadabog na sabi niya. Matapos ang isang oras sabay na lumabas ang dalawa sa opisina. Inaayos pa ni Trisha ang nagulong buhok habang naglalakad kaya mas lalo pa siyang nagngitngit. “Nikki, mauna ka na sa bahay. Ihahatid ko pa si Trisha sa kanila,” ani Cedric na noo’y nauunang maglakad kasunod ng babae. Blanko ang mukhang tumango ang dalaga. Nakaalis na si Cedric nang ma-realize niya na wala siyang dalang pera. “My God! Ano’ng gagawin ko?” Itininukod niya ang magkabilang siko sa mesa atsaka siya napasapo sa mukha. Nakailang buga na ng hangin si Nikki at nakailang balik na sa gate pero hindi niya pa rin magawang lapitan ang guard. Manghihiram sana kasi siya rito ng pamasahe. “Ma’am, ikukuha ko po ba kayo ng taxi?” narinig niyang sabi nang papalapit na gwardiya. Biglang kinabahan si Nikki. “Naku, hindi na, Kuya. May dadaanan pa ako riyan sa malapit,” aniya atsaka siya naglakad palabas. Hindi kinaya ng mukha niya ang manghiram ng pera kaya nagdesisiyon na lang siyang maglakad na lang. Medyo umaambon na noon pero hindi alintana ni Nikki ang mahihinang patak ng ulan. “Manang, dumating na po ba si Nikki?” tanong ni Cedric habang naghuhubad ng jacket. Napakunot ang noo ni Manang. “Bakit? Hindi mo ba siya kasama?” “Pinauna ko na po siyang umuwi, ah.” “Wala pa siya rito.” Biglang kumulog nang malakas kaya kapwa sila napatingin sa bintana. Bumubuhos na ang malakas na ulan noon. Napakagat sa labi si Cedric nang matanaw ang pagguhit nang matalim na kidlat. Dalidali niyang isinuot ang hinubad na jacket at patakbo siyang lumabas. Pero natigilan din siya nang mabungaran niya ang basang-basang dalaga. Yakap-yakap nito ang sarili habang nanginginig sa ginaw. Agad niyang hinubad ang suot niyang jacket atsaka niya ibinalot sa dalaga. “Bakit nagbasa ka sa ulan?” tanong niya. Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ni Nikki. Inihubad nito ang jacket atsaka ito pumasok sa loob. Ganoon na lang ang pag-aalala ni Manang nang masalubong ang basang-basang dalaga. “Susmaryosep! Ano’ng nangyari sa’yo bata ka? Bakit basang-basa ka?” Napayuko lang noon si Nikki. “Akyat na po ako,” hindi tumitinging sabi nito. Sinalubong ng tingin ni Manang si Cedric. “Hindi mo ba siya binigyan ng pamasahe?” Mariing napahaplos sa mukha si Cedric. “Hindi po.” Napailing na lang ang matanda. “Pambihira kang bata ka. Alam mo namang walang pera ang isang ‘yon. Painumin mo na agad ng gamot ‘yon bago pa magkasakit. Gagawan ko siya ng sabaw para mainitan ang sikmura niya,” ani Manang na noo’y dumiretso na sa kusina. Matiyagang naghintay sa kwarto si Cedric habang nasa banyo si Nikki. Nang marinig niya ang pag-ingit ng pinto agad niyang inabot ang baso ng tubig at gamot atsaka niya sinalubong ang dalaga. Pero umiwas lang ito at ni hindi tumingin sa kanya. Napabuga ng hangin si Cedric. Ibinaba niya ang gamot at baso ng tubig sa lamesita atsaka niya nilapitan ang dalaga. “I’m sorry,” tanging nasabi niya. Pero hindi kumibo si Nikki na noo’y patuloy lang sa pagtutuyo ng buhok na para bang hindi siya naririnig. Tinangka niyang hulihin ang mga kamay nito pero agad itong umiwas sa kanya. Ramdam niya ang matinding sama ng loob sa kanya ni Nikki kaya nagpasya siyang iwan muna ito. “Inumin mo na ‘yung gamot pagkatapos mo riyan,” aniya bago siya lumabas. Nangingilid ang luhang napaupo si Nikki atsaka siya sumubsob sa kama. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob hanggang sa makatulog na siya. Madilim na sa silid nang muling bumalik si Cedric, kinapa niya ang switch ng ilaw atsaka niya ‘yon binuksan. Tumambad sa kanya si Nikki na noo’y nakadapa sa kama. Ibinaba niya ang dalang pagkain atsaka niya nilapitan ang dalaga. Bahagya niyang hinawi ang buhok nito na tumakip sa mukha atsaka niya ito sinalat sa noo. Mainit ang salat ng balat ni Nikki kaya agad niya itong inayos ng pagkakahiga. Kinuha niya ang iniwan niyang baso ng tubig at gamot atsaka siya muling lumapit sa kama. Inilapag niya sa tabi ng lampshade ang baso ng tubig atsaka niya iniangat si Nikki at isinandal sa kanya. Bahagyang umingit ang dalaga at akmang babaling sa kabila nang pigilan niya ito. “Mainit ka. Uminom ka muna ng gamot,” aniya. Bahagyang nagmulat ng mga mata ang dalaga pero hindi ito nagsalita. “Inumin mo muna ‘to,” aniya atsaka niya isinubo ang gamot sa dalaga. Matapos makainom ng gamot, nagtangkang lumayo ang dalaga pero agad niya itong ikinulong sa mga bisig niya. “I’m sorry,” aniya sabay dampi ng halik sa ulo ng dalaga. Doon na napahagulgol ng iyak si Nikki. “I hate you!” bulong nito. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa dalaga. “Sorry na. Hindi ko sinasadya,” aniya. Bumitaw sa kanya ang dalaga atsaka ito bahagyang lumayo. “I’m leaving!” blanko ang mukhang sabi nito. “What?” “Uuwi na ako sa amin,” walang emosyong sabi ng dalaga. “Paano ‘yung trabaho mo sa akin?” “Bakit hindi si Trisha ang ipuwesto mo, total naman mukhang kulang ang isang araw sa paglalambutsingan niyo,” madilim ang mukhang sabi ng dalaga. Biglang napangiti si Cedric. “Nagseselos ka ba?” “Ang kapal ng mukha mo! Bakit ako magseselos? Boyfriend ba kita?” “Pero gusto mo ako,” seryoso ang mukhang sabi ni Cedric. Napasulyap si Nikki sa kanya. “Sino naman ang may sabi sa’yo?” mariing sabi nito. Mabilis na dumukwang si Cedric sa dalaga at huli na para makaiwas ito. Hinawakan niya ito sa batok atsaka niya ito siniil ng halik sa labi. Namilog ang mga mata ng dalaga nang bitiwan niya ito. “How dare you!” sigaw nito. Akmang sasampalin siya nito pero mabilis niyang nahuli ang kamay ng dalaga. Hinila niya ito papalapit sa kanya atsaka niya ito hinalikan sa labi. “I love you,” aniya. Saglit na natigilan ang dalaga na noo’y napatitig sa kanya. “Ano’ng sinabi mo?” “I said, I love you,” hindi kumukurap na sabi Cedric. Napangiwi si Nikki sabay napailing. “Sa tingin mo maniniwala ako sa’yo?” anito na noo’y nilakihan pa siya ng mga mata. Nangingiting pinisil ni Cedric ang pisngi ng dalaga. “I mean it.” Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya atsaka siya nito tinalikuran. Napangiti si Cedric. Akmang yayakapin niya ang dalaga mula sa likuran nang bigla itong umiiwas. Pagkatapos ay tumayo ito at humarap sa kanya. “Gusto ko nang magpahinga,” walang emosyong sabi nito. “Wait lang. Wala ka pang sinasagot sa sinabi ko,” reklamo niya. “Bakit ano’ng gusto mong isagot ko? Mahal din kita?” “Bakit hindi pa ba?” Natawa si Nikki. “Are you out of your mind?” Napaawang ang mga labi ni Cedric na noo’y napatitig lang sa dalaga. Ramdam niya sa sarili niya na hindi ito nagsasabi ng totoo sa kanya. Pero hindi na siya nakipagtalo sa dalaga. Marami pa naman siyang pagkakataon para mapaamin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD