KING YVES LAURELL POV:) Dali-dali pumasok ako sa school clinic. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, sabay-sabay na lumingon sakin sina Sorim at Dave. Nakita ko si Dannica na nakahiga sa kama at natutulog. "King." sambit ni Sorim sa pangalan ko halos napatayo sa kinauupuan. Mabilis na lumapit ako sa kama ni Dannica at hinawakan ang kamay niya. "Ano nangyari sa kanya?" nag-alala pa ring tanong ko sa kanila. "Hmm ok na sya. Sabi ng nurse, stress lang daw." sagot ni Sorim. Nakatingin lang ako kay Dannica habang tulog pa rin. Di ko maiwasan talaga mag-alala. Bakit siya nahimatay? Ano ba talaga nangyari? "Di ko alam, bumalik pala yung asthma niya. Akala ko ok na siya pero meron na naman siyang hika." sulpot ni Dave. Napatingin ako dito at kita ko sa kanya na nag-aalala din siya k

