DANNICA LAZARDE POV:) Hahawakan ko na sana yung door knob na may humawak sa kamay ko para ihinto ang pagbukas ko ng pinto. Gulat na gulat na tiningnan ko yung taong misteryosong pumigil at humawak sakin. Lalong nanlaki mata ko nang makita yung taong pamilyar sakin. "Ano ginagawa mo?" tanong nito sakin. "Sir Don..." sambit ko sa pangalan niya. Tiningnan niya yung mga folder na hawak ko. Kinuha niya iyon sakin agad at pumasok sa loob ng office. Pipigilan ko sana kaso ang bilis niya makapasok sa loob ng office. Siya na ata maglalagay nang mga folder sa table ni Mr. Dan. Di nagtagal, lumabas din naman agad siya. "Let's go!" sabi niya pagkalabas.Hinawakan agad niya yung kamay ko at hinila ako paalis dito. Di na ko nakapagreklamo pa. Tumahimik nalang ako at pinabayaan siyang hila-

