DANNICA LAZARDE POV:) "Dannica, kanina pa tayo palakad-lakad dito sa loob ng school. Pabalik-balik lang naman tayo. Ano ba talaga nangyari?" si King iyon. Oo. Tama narinig nyo. Kanina pa ako palakad-lakad at siya naman panay sunod sakin. Para akong tanga kasi naglalakad ee. Tulala lang habang lumuluha halos yung mga estudyanteng nadadaanan ko, nagtataka na. Si King naman di ako maiwan-iwan kasi nag-aalala talaga siya sakin. Natatakot siya baka daw mahimatay ako o baka daw magpakamatay ako. Kahit di daw niya alam anong iniiyakan ko, alam niyang nasaktan talaga ako ng sobra. Tumigil ako sa paglalakad at pati rin siya. Malungkot na tumingin ako sa kanya habang may luhang tumutulo pa rin. "King, may alam ka bang lugar dito sa school na pwede akoCment makapag-isip-isip?" halatang malu

