DANNICA LAZARDE POV:) "Dave!" tawag ko. Napatingin naman ito habang nagbabasa ng Manga. "Oh?" tanong nito. "Nakita mo ba si Sissy? I mean si Sorim?" tanong ko sa kanya. Nasa room kami at wala kaming klase dahil may meeting yung mga teacher namin ngayon sa darating na Camp namin ngayong December. Dama na namin ang pasko. Sobrang lamig na at nagpalit na kami ng school uniform. May school uniform para sa summer at uniform para sa winter. Long-sleeve na ang uniform namin at tinernuhan pa rin na maiksing palda pero mahaba na yung medjas lampas tuhod na. Ok na ito at di naman masyadong malamig na. "Hmm hindi ee." sagot nito habang napakamot sa may tainga nito. "Ahhh ok. Salamat." sabi ko nalang habang patango-tango. Naupo ulit ako ng maayos at nagbasa nalang sa cp ko nang w*****d.

