DANNICA LAZARDE POV:) "Ano?!!" gulat na gulat sa sambit ni Sorim. Ako naman ay naibuga ko nalang yung iniinom kong C2. Gulat na gulat din na tumingin ako kay King. "A-ah?!!" sambit ko sa pagkagulat. Tang-ina! Bakit nasabi yun ni King? Ginagawa niyang bakla yung boyfriend ko? "Kutob ko talaga may gusto sakin si Sir Don." sabi pa rin nito. "Di ka ba natatakot sa pinagsasabi mo, King? Baliw kana." halatang nagulat pa rin na sabi ni Sorim dito. "Totoo. Alam kong gusto ako ni Sir Don." patuloy pa rin niyang sabi. "Hahaha guni-guni mo lang yan, King. Ginagawa mong bakla si Sir. Haha di yun magkakagusto sa kapwa lalaki nya. Hehehe?" sabi ko dito. "Jusskoo! Bakit nasasabi niya na may gusto sa kanya si Sir Don? Hindi bakla yung boyfriend ko!" sa loob-loob ko. "Hindi. Hindi guni-guni

