“Salamat sa kape,” ani Sab noong inihatid na siya ni Chase sa labas ng bahay nila. Ayaw pa sana niyang umuwi kaso nag-insist ito. Maaga pa raw siyang papasok bukas. Huwag daw siyang magpuyat nang husto. Na-touch naman siya sa concern nito kaya pumayag na rin siya. “You still live here? Alone?” anito, looking at their old mansion. “Yes, I do. Nag-asawa na kasi si Myra. Saka medyo may edad na rin si Manang Tally. Pero nagpupupunta naman sila rito once a week para linisin ang buong mansiyon. Well, ako lang din naman mag-isa kaya wala ring masyadong gagawin. Kaya ko naman ang sarili ko,” mahabang paliwanag niya. “But still you shouldn’t be living in a huge house alone. You’re a woman, it’s not safe.” He looked concern. “Okay lang,” aniya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya sa ipinak

