Hapon na ng makalapag ang eroplano sa airport sa destinasyon namin. Pagkababa namin ay may nakahandang puting van na siyang magdadala sa amin papuntang Coron sa Palawan,ilang oras din ang byahe papunta roon.
Hindi kalayuan sa airport ay huminto muna kami sa isang restaurant para kumain.Naguguton na raw kasi iyong si Natasha.
Ang mga lalaki ang umorder kaya kaming mga babae ay nakaupo lang sa table.Sabi ni Nova na kami nalang ang oorder kaso hindi sila pumayag.Mabuti na din yun kasi hindi ako marunong mag order,kadalasan kasi sa carenderya lang naman ako kumakain, ito ang unang beses na kakain ako sa ganitong uri ng restaurant.
"Caramel?"tawag sa akin nung babaeng si Nova.
"Po?"magalang kong sabi.
"Ang galang mo naman.Ikaw ba ang nobyo ni Wesley?"tanong nito.
Nagulat ako sa tanong niya.Saan niya naman na pulot 'yan?
"Ayy naku!.Hindi po,amo ko lang siya"sabi ko sabay umiling.
"Amo mo lang siya?"gulat na sabi ni Nova.
"Katulong ka lang?"tanong ni Natasha.
"Hindi ka mayaman?"dagdag pa ni Nova.
Kinabahan ako sa uri ng kanilang pagtatanong maging ang kanilang mga tingin sa akin ay wari ko'y nangungutya,sinusuri nila ako mula ulo hanggang paa.Nakakailang.Ito na ngaba sinasabi ko mamaliitin lang nila ako dahil hindi naman nila ako kapantay.Kinagat ko ang pang ibaba ko labi upang di magpahalata na kinakabahan ako.
'Señorito saan ka na?'sigaw ng isip ko.
Siya lang ang naiisip ko na makakatulong sa akin.
Ngunit nagulat ako sa kanilang naging reaksiyon.
"Hhaayyss salamat"si Nova na pinagtagpi pa ang mga kamay parang katulad sa nagdadasal.
Nangunot ang noo ko sa ginawi niya.
"Nakahinga din ng maluwag"si Natasha na nahawak sa kaniyang dibdib.
Huh? Hindi ko sila maintindihan.
Bakit ganun sila?.Bakit parang ang saya nila na hindi ako mayaman?.
"Kinabahan ako,akala ko puro mayayaman ang makakasama ko dito buti nalang hindi"sabi ni Nova.
"Ako din akala ko kayong dalawa mayaman din tulad nina Sir Kiel"may ngiting sabi ni Natasha.
Naguguluhan ko silang tinignan.Naguguluhan rin ako sa mga sinasabi nila.
Ibig ba nitong sabihin hindi sila katulad nina Señorito?Hindi sila mayayaman?.
Sa sinabi ng isipan ko medyo nakahinga ako ng kunti pero may kunti paring kaba sa akin.
"A-anong ibig niyong sabihin?"naguguluhang tanong ko.
Napakamot silang dalawa sa ulo.
"E katulong lang din ako nina sir Blenze"mahinahong sabi ni Nova.
"Pinilit lang ako ng mommy niya na sumama dito"dagdag pa nito.
"Ako din katulong lang naman.Hindi naman dapat ako sasama kasi ayaw ng ina ni sir Kiel ang kaso hiniling ni sir Kiel na sumama ako kaya ayun pinagbigyan ng ina ang kahilingan ng bunsong anak niya dahil kaarawan naman nito.Ewan ko nga kung bakit gustong gusto ni Sir Kiel ang isama ako rito."mahabang sabi ni Natasha.
Tila nawala ang tinik na nakabara sa aking dibdib ,nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nila maging ang kabang nararamdaman ko kanina ay nawala.Ang akala ko talaga mamaliitin nila ako.
"Ikaw ba?"sabay na tanong nila.
"Ayaw ko din sanang sumama kasi ang akala ko puro mayayaman ang makakasalamuha ko kaso pinilit ako ni señorito kaya napasama ako rito"saad ko.
"Hayy naku buti nalang talaga pare-pareho tayo hindi ako maiilang at hindi rin ako manliliit sa sarili ko"sabi ni Natasaha .
"Tama ka diyan,labis labis talaga ang kaba ko kanina"aniya ni Nova.
"Ako din naman e kinabahan ako akala ko mga girlfriend kayo ng mga kaibigan ni señorito"pag-amin ko.
"Ako maging girlfriend ni sir Kiel? Napakaimpossible nun"saad ni Natasha.
"Baka palayasin ako ng ina ni Sir Blenze"saad ni Nova.
"Sayo nga ako kinabahan dahil akala ko mayaman ka"aniya ni Natasha.
"Mukha pang mataray"dagdag naman ni Nova.
"Luhh grabe naman kayo sa akin"
"Ang puti mo,mukhang mayaman ang dating kahit na simple ka lang magdamit".
"Anong sabon mo sis?"tanong ni Nova.
"Baka naman"sabi ni Natasha at sabay silang natawa ni Nova.
Anong pinagsasabi nila?.Hindi ko sila masyadong maintindihan.
Akmang sasagot ako ng mamataan ko sina señorito at ang mga kaibigan niya pabalik na sa mesa namin may mga dala silang tray na naglalaman ng pagkain.Natigil si Nova at Natasha sa pagtawa at umayos ng upo.
Habang naglalakad sila ay naagaw nila ang atensiyon ng mga tao sa loob.Pinagtitinginan sila, lalong lalo na ang mga bababe sa kabilang mesa, sa tingin ko ay kasing edad lang namin, halos mamaluktot ito sa pagpipigil na tumili ng dumaan ito malapit sa mesa nila.Wala namang pakialam sina señorito,seryosong tingin deritso sa aming mesa at walang emosyon na mukha ang ibinigay nila.Tila wala lang sa kanila ang mga matang nakatingin sa kanina o baka sanay lang sila.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kunting inis.
Bakit ganito?Hindi ito maaari!
Naguguluhan ako sa aking sarili, ng mga nakaraan ko pa ito napapansin. May mga bagong emosyon at damdamin ako na hindi ko mapangalanan, att ayokong pangalanan ang mga iyon dahil natatako ako...Natatakot ako na tama ang aking hinala...Takot ako na amininin...takot ako sa maaaring kahantungan nito.
Napabuntong hininga ako ng malakas,nagtatakang tingin ang ibinigay sa akin nina Nova at Natasha sinuklian ko lang iyon ng maliit na ngiti.
Tuluyan na silang nakarating sa aming mesa ,inilapag nina señorito ang mga pagkain sa harap namin.Sa ginagawa nilang ito nagmumukha tuloy silang waiter namin.
Aba'y kung sila ang magiging waiter baka dumugin ng maraming tao ang restaurant na ito lalong lalo na ng mga babae.
Bakit parang nagkapalit-palit kami?.Dapat kami yung gumagawa nun kasi kami ang mga katulong kaso hindi naman sila pumapayag.
Nadinig ko ang ilang bulungan sa paligid.
"Ang sweet"
"Sana may ganyan din akong nobyo"
"Ang gwapo"
"Sana all nalang"
Iba't ibang komento ng nga tao sa paligid.
'Kung alam lang nila ang totoo' sigaw ng isip ko.
Ewan ko ba kung ako lang ang nakapansin nun pero nakita ko ang sumilay na ngiti sa mga labi ng mga lalaki.
Anong ibig sabibin nun?Natutuwa sila?
Pagkatapos nilang ilagay ang mga pagkain sa mesa ay nagsiupuan na sila.Si señortio sa aking kanan,sa aking kaliwa si kiel katabi niya si Natasha ,sa tabi niya si Enze at sunod si Nova.
Tahimik kaming nagsimula sa pagkain.Naiilang nga ako kasi may iilang taong nakatingin sa amin o mas tamang sabihin kay señorito at sa mga kaibigan niya nakatingin.
Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aming gawi kaya halos hindi ako makakain ng maayos nahihirapan akong lumunok, hindi ko alam kung bakit pero ganun ang pakiramdam ko.Hindi ako sanay na may nanonood sa akin habang kumakain kaya niyuko ko ang aking ulo ngunit agad ko din itong inangat ng marinig ang medyo malakas na boses ni Nova.
"Akin 'yan!"malakas na sabi ni Nova sabay tingin ng masama kay Enze na nakangiting ngumunguya.
"Ba't ba nangunguha ka? E,mayroon ka naman niyan!"inis paring sabi ni Nova.
"Wala.gusto ko lang"mapanuyang saad ni Enze.
Ano bang pinag-aagawan nila?
"Akin yun e!"nakabusangot na sabi ni Nova.
"Gusto mo nun ito ibabalik ko"pang-asar na sabi ni Enze.
Nanlaki ang mga mata ni Nova sa sinabi ni Enze.
"Yuck.Kaderi!"nandidiring aniya ni Nova sabay layo ng kunti.
Sa inaakto nila mukha silang hindi mag-amo.
Sa halip ay parang magkapatid sila na nag-aasaran lang.
Nanonood lang kami sa kanila.Si señorito at si Kiel nakangiti sa dalawa,ako at si Natasha gulat na nakatingin sa kanila,parang pareho kami ng tumatakbo sa isip ni Natasha.
"Here,get some"sabi ni Enze sabay tulak ng pinggan niya papunta kay Nova.
"Get mo. mukha mo.!"madiing sabi ni Nova.
Tinawanan lang siya ni Enze sabay kuha nung pagakain sa plato niya at nilagay iyon sa plato ni Nova,agad din namang kinuha ni Nova ang pagkain at ibinalik kay Enze.Kinuha na naman uli iyon ni Enze inilagay uli sa plato ni Nova,binalik uli ni Nova ang pagkain sa plato ni Enze.
Parang mga bata!
"Ano ba!.Sayo 'yan!"si Nova.
"I'm giving it to you"aniya ni Enze.
"Hindi na.Sayo na yan! Sayong sayo na!"pagalit na sabi ni Nova at ibinalik muli ang pagkain sa plato ni Enze.
"No.Binibigay ko yan sayo"mahinahong sabi ni Enze sabay lagay ng pagkain sa plato ni Nova.
Abala ako na panonood ng bangayan nina Enze at Nova.Nakakatuwa silang pagmasadan parang magkapatid lang.
Sa tingin ko ay close din si Nova kay Enze, sa kilos palang kasi nila halatang sanay na sanay na sila sa ugali ng isa't isa.Siguro katulad din namin sila ni Señorito,baka mula pagkabata ay magkasama na din sila.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat ng biglang inilapit ni Señorito ang kaniyang mukha sa aking tenga..Nanindig ang balahibo ko dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa akin,pakiramdam ko kinikiliti ako.Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi, amoy na amoy ko rin ang pabango niyang panlalaki kaya pigil ang aking paghinga upang maiwasan kong singhotin ang kaniyang mabangong amoy.
"Don't mind them,continue eating"malambing na saad niya.Ang bango ng hininga niya ay umabot sa aking ilong.Halos dumugo na ang aking labi kakakagat ko.
Napalayo bigla si señorito ng malakas na tumikhim si Kiel.
"Aahheemmm...Aahheemm...Aahheem"tikhim niya sabay tingin kay señorito.
Tila may pinapahiwatig ang kaniyang mga tingin.May mapaglarong ngiti rin sa kaniyang labi.
Saka ko lang napansin na nasa amin na pala ang tingin nila.Ang mga mata nila ay nanunukso. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya niyuko ko ng kaunti ang aking ulo.
"What?"taas kilay na tanong ni señorito.
Nakita ko sa aking gilid kung papaano nagpalipat-lipat ng tingin si Kiel kay señorito at Enze naroon parin ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya.
"Ohhh men! You're making your moves"nakangising aniya ni Kiel.
Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
Anong move ang sinasabi niya?
"Your too slow"saad ni señorito sabay subo ng pagkain.
"Galaw galaw din pare bago ka pa maunahan ng iba"sabat naman ni Enze.
Hindi ko makuha kung ano ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan.
Hindi ko nalang sila binigyang pansin at mukhang ganun din naman ang ginagawa nina Nova at Natasha.Pinagpatuloy ko nalang ang aking pagakain,minsan naririnig ko nalang biglang tumatawa si Kiel.
Ewan.Silang magkakaibigan lang ang nagkakaintindihan.
Mag-aala-una na ng hapon kami natapos sa pagkain.Agad kaming lumabas sa restaurant at sumakay muli ng puting van.Isang oras pa daw ang byahe mula rito papuntang Coron.
At gaya ng kanina magkatabi uli kami ni señorito nasa huling bahagi kami ng Van sa harapan namin sina Nova,Natasha,Kiel at Enze. Nang magsimulang umandar ang van ay sa labas ng bintana lang ako tumingin.Napalingon ako kay señorito ng bigla itong magtanong.
"Can I?"tanong niya sa mahinang boses.
Kumunot ang aking noo sa tanong niya.Hindi ko naintindihan.
"Huh?"tanong ko pabalik.
"Wan to sleep"mahinang sabi niya.
Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi niya.Hindi ko makuha ang nais niyang ipahiwatig.
Gusto niyang matulog,sige.
Bumuntong hininga siya at dahan-dahan niyang inihilig ang kaniyang ulo patungo sa aking balikat.
Napakurap-kurap ako .Iyon pala ang nais niya.
Saka ko lang naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.Gusto niya palang sumandal.
Gusto lang palang sumandal hindi pa sinabi ng deritsahan!
Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan nalang na sumandal siya sa aking balikat.Siguro pagod na siya sa byahe,siya ang nagdrive kanina papuntang airport at ilang oras din ang byahe bago nakarating,kanina sa eroplano hindi siya umidlip dahil siguro nag-aalala siya sa akin kinakabahan ako e.Kanina ko pa din nakikitaan ng antok ang mga mata niya pero nilalabanan niya lang iyon.
Tahimik lang sa loob dahil maging ang mga tao sa unahan ay natutulog rin.Nakasandal sila sa isa't isa.
Maliban sa driver ako nalang ang gising,mahaba rin kasi ang naitulog ko kanina.
Tumingin uli ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga nadaraanan namin,wala naman akong magawa.Hindi ko naman makausap ang driver dahil nasa hulihan.Napalingon uli ako ng bahagyang gumalaw si señorito,napasinghap ako ng yumakap ito sa akin.
Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin.Nakahinga ako ng maluwag ng natanggal ko iyon ngunit nagulat ako dahil yumakap na naman itong muli at sa pagkakataong ito ay medyo mahigpit na ang yakap niya.Nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin,tila may kung anong nagliliparan sa aking tiyan na nagbibigay kiliti sa akin.
Sumulyap ako sa mukha niya upang tignan kung tulog nga ito.Nakapikit ang mata nito at tila mahimbing ang pagkakatulog,muli ay dahan dahan kong inalis ang kaniyang braso sa aking tiyan ngunit nadismaya ako dahil agad ding bumabalik ang pagkakayakap niya.Napapikit nalang ako dahil sa pagkabigo.Wala akong magagawa.
Hinayaan ko nalang siya na yakapin ako dahil sa tuwing susubukan kong tanggalin ang yakap niya ibinabalik niya naman at mas hinihigpitan pa ang pagkakayap.Baka iniisip niya na unan ako.
Hindi ko nalang din binigyan ng pansin ang tila paru parung nagliliparan sa aking tiyan.
Pilit kong binalewala ang kakaibang kiliti na aking nadarama dahil hindi dapat ganito...Hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito.