2 - Repercussion (1)

1218 Words
CLIO’S confidence waned because of what happened at Tygo’s place. Nakaupo siya sa kaniyang kama at napahilamos sa mukha nang mapagtantong hindi niya alam kung paano siya lulusot sa ginawa niyang problema. Determinado naman talaga siyang agawin si Tygo mula sa fiance nito pero ngayon lang talaga nag sink-in na hindi niya naplanong mabuti ang dapat gagawin. She thought that the formula of taking him away was as simple as she snapped her fingers. But damn, her calculations were terrible.   Dapat kasi papainumin niyia ng pill na ibinigay ng kaibigan niya, huhubaran ng damit, humiga sa kama, tatabi naman siya rito at itetext niya si Daphne using Tygo's number and pretended to be him telling the woman that he had a surprise for her. See? Napakasimple lang talaga ng plano niya.    Lasing si Tygo nang pumunta siya sa pad nito. Pinipilit pa rin niya ang sarili kahit ayaw siya nitong makita. Matabil masyado ang lalaki kung malalasing kaya hindi siya nakapaghintay na makatulog ito. Inilagay niya sa baso ng alak nito ang dalang pill. Pero nakita siya ng lalaki at ipinainom sa kaniya ang likido.   It actually went downhill from there.   Everything was hazy and she remembered they fought for a little while before they stumbled on the bed. He was calling ‘Daphne’ a couple of times and then there was pain in between her thighs.   “Nakuha niya ba talaga ang virginity ko?” She bit her lip as she thought about it. She wanted romance and wedding bells before she surrendered herself to the man she loved. Siguro nakuha na talaga ng lalaki ang virginity niya kasi nabanggit ni Daphne kanina that he was humping her when she barged in. Pero wala naman siyang naramdaman kanina.   “Argh!” Nasabunot niya ang kaniyang buhok sa inisip.   Pumasok ang kaniyang yaya Sandra. “Clio, pinapatawag ka ni Sir sa study room.”   Tila nawalan ng dugo si Clio. Napalunok siya. “Bakit daw?”   Nagkibit-balikat si Sandra.   Tinatagan niy ang sarili nang lumabas siya ng kwarto. She was spoiled since birth and she got away with her pranks and bullying because her father announced that it was alright for the Vivocentes to be aggressive. Pero hindi niya alam kung bakit natatakot siya sa mga sandaling pumasok sa study room ng kaniyang ama.   The minute she closed the door, her father's voice boomed, "Anong ginawa mo Clio Xanthe?"   Hindi siya umimik bagkus napatingin sa ina at sa nakakatandang kapatid na nakaupo sa sofa.   "Tumawag si Martha Nils fifteen minutes ago," sabi ng mama niya.   Tumaas ang kilay niya at naisip. 'Alam na ng mga Nils?'   "Inatake sa puso si Solomon. Nasa ICU siya ngayon," balita ng kaniyang Kuya Bastien.  "Alam mo ba ang dahilan, Clio?"   Alam niya ang sagot pero takot siyang magsalita kaya nagkibit-balikat lang siya. Nakita ng Papa niya ang ginawa niya at para rito ay ito ay isang kawalang-galang kaya namumula ito sa galit. Tumayo si Donovan at sinampal ng malakas ang kaniyang unica hija. Masyadong malakas ang pwersa ng sampal kaya natumba si Clio at tumama ang kaniyang ulo sa pinakamalapit na lameseta.   "Donovan!" singhap ng asawang si Laura.   Pero umitim lalo ang paningin ni Donovan. Nilapitan niya ang anak at tinadyakan ang mukha ng unica hija.    Biglang napatakbo si Bastien at hinila ang ama papalayo kay Clio. “Papa, tama na po.” Nagulat si Bastien kasi ito ang pinaka-unang pagkakataong pinagbuhatan ng kamay ni Donovan ang anak.    "Ingrata ka!" galit na sigaw ni Donovan. "Ibinigay namin lahat sa’yo pero anong isinukli mo sa’min? Kahihiyan lang ba dadalhin mo sa pangalang Vivocente dahili sa obsesyon mo kay Martin?”     Akma na naman siyang tatadyakan ng ama ngunit napigilan pa rin ni Bastien. "Papa, aayusin natin ito.”   "Paano natin maaareglo 'to Bastien?" giit ni Donovan. "Inurong ng mga Valera ang business merging nila sa mga Nils dahil sa pinagagawa ng kapatid mo. Andon si Donovan ngayon sa ICU dahil sa shock."   "Nakita raw sila ni Daphne sa kama." Nanginginig ang boses at putlang-putla si Laura.   "Kung ganon, dapat sisihin rin natin si Tygo. It takes two to tango Mama," Bastien snapped. He looked at her sister who was still on the floor. “Clio, be honest and tell me what happened."   Masakit ang ulo niya sa impact kanina at sa sipa ng ama sa kaniyang  mukha kaya somehow disoriented siya. Tumingala siya at bumulong, "I d-drugged him...wa-wanted Daphne to...to s-see us in be-bed."   "Ano? Baliw ka ba?" singhal ng kuya niya sa kaniya.   "Ewan ko Sebastien kung ano ang gagawin natin diyan sa babaeng iyan," galit na sabi ni Donvan. "Clio, doon ka muna sa kwarto mo at huwag kang lalabas."    Nanginginig siyang tumayo at pasuray-suray na lumabas ng study room. Nakita niyang lalapitan siya ni Sandra pero umiling siya. She still had her pride! At doon sa kaniyang kuwarto niya inilabas ang takot at pagsisisi sa pamamagitan ng pag-iyak. Hindi niya talaga  alam kung paano lulusutan ang problemang ginawa niya.   Noon ay ngumiti lang siya ay okay na ang lahat. Kahit nga si Tygo ay pinapatawad siya sa mga kabaliwang pinagagawa niya. But she knew this was different!   Napaungol siyang napasapo sa ulo sa tindi ng sakit. f**k! Kung kailan may problema saka naman umatake ang migraine niya. Masikip ng huminga at parang nagdidilim ang paligid niya pero kailangan niyang tawagan si Tygo. Kailangang marinig niya ang boses nito.   She dialed his number. Maiintindihan niya kung hindi ito sasagutin kasi –   "Ano ngayon?"   Tumibok ang puso ni Clio ng marinig ang boses na lalaking mahal. "Hmmm...gusto ko lang malaman mo na sorry talaga. Hindi naman ganito ang gusto kong mangyari Tyko... Sorry na."   "I'll accept your sorry if you can raise someone from the dead," he curtly replied.   "You mean...h-he... y-your... de-dead?" She was now literally shaking.   Narinig niyang napasinghap ang lalaki sa kabilang linya, "Sana hindi kita nakilala. Sana hindi ka nag exist sa buhay ko."   "Tyko...so-sorry..." Hindi na niya mapigilang humikbi.   "Just do me one favor," he said.   May pag-asang sumibol sa puso niya.  "S-sure...ano? Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo..."   "Just go to hell and never come back," he said before he hung up.   Bakit parang lumiliit ang mundo niya? Bakit parang nakikita niya ang buhay niya sa loob ng dalawampung taon?   "Tyko, ikaw ang magiging asawa ko!" balita niya kay Martin Tygo when she was six and he was ten.   "Hindi ka pwedeng mag girlfriend Tyko. Akin ka lang," galit na sabi niya noong trese anyos siya.   Parang nakita niya ang sarili sa harapan niya. Dise sais anyos na babae at nagpaplano kung paano takutin ang mga girlfriends nito. Dise sieta nang nang mam-bully siya sa mga sineryosong girlfriends nito. At ang kaniyang bente anyos na sarili na gumuho ang mundo ng inanunsyo nito na magpapakasal ito kay Daphne.   "Ty-tyko...ma-mahalin m-m-mo a-ako," bulong niya.   Fuck! Why was she stuttering? Tiningnan niya ang mga nanginginig niya mga kamay. Nahulog ang bitbit niyang cellphone. Bakit hindi niya ma control ang sarili niya? Bakit dumidilim ang paligid?   Nalilito na siya kasi hindi naman siya ganito nung inaatake siya ng migraine. Hindi niya alam kung bakit nagka ganito siya. Anong nangyayari?   "Tulong!" sigaw niya.   Pero bakit parang bulong lang ang lumbas sa bibig niya at hindi sigaw?   Nakakalito na talaga ang mga pangyayari. Parang sasabog ang ulo niya sa sakit at tila hindi niya maigalaw ang sarili. Gusto niyang gumapang palabas pero tila hindi gumagalaw ang kaniyang katawan. Kaya parang hulog ng langit nang pumasok si Kuya Bastien sa kuwarto niya.   “Ku-kuya…sorry!” Gusto niyang isigaw dito pero walang lumabas na boses mula sa bibig niya. May gusto pa sana siyang sabihin pero nahuhulog na siya sa kadiliman. Kadilimang hindi niya alam kung makakatakas pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD