PROLOGUE

1814 Words
"Mom, can we eat first?" Nilingon ko ang limang taong gulang kong anak, na ngayon ay kunot noong nakatingin din sa akin. Isang linggo na rin ang lumipas simula ng bumalik kami rito sa Pilipinas. Mabuti nga ay nakapag adjust siya kaagad sa klima rito. Limang taong mahigit din kasi kaming nanirahan sa America ng makilala ko si Brent. Ngayo'y heto, kasama ang anak kong si Stephen ay narito kami sa Airport. Hinihintay namin ang pagdating ng Smith family, kasama ang isa ko pang anak na si Sancho. Kambal na lalaki ang mga anak ko, ngunit naiwan ang isa sa America dahil nasasabik sa apo ang mga magulang ko. "Just wait love," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Mamaya ay narito na sila." Marunong mag tagalog si Stephen dahil hindi naman ako bihasa sa lenggwaheng inggles. Kaya naman natuto siya sa akin kahit na lumaki siya sa ibang bansa. "But I'm hungry na po." Hinawakan niya pa ang tiyan niya para lang ipakita sa akin. "Look po Mommy, it's nipis na." Natawa na lang ako sa kaniya bago hinawakan ang kamay niya. "Let's go, kumain ka muna ng lumaki yang tiyan mo." Hawak ang kamay niya'y nag punta kami sa isang fast food chain malapit din dito sa Airport. Walang masyadong tao sa loob, kaya naman kaagad kong pinaupo si Stephen sa pandalawahang upuan na malapit sa pinto. Nilapag ko rin muna ang hawak kong cardigan pati na rin ang jacket ni Stephen sa upuan. "Just wait for me here. Behave Stephen, o-order lang ako ng foods okay?" Mariin kong paalala sa kaniya. Tumango lang siya bilang tugon bago itinaas ang kanang kamay, hudyat na nangangako siya. Nang makarating ako sa counter ay agad akong nag order ng spaghetti at fries na siyang paborito ni Stephen. Hindi ko rin kinalimutan ang ice tea na tinatawag niyang lemonade. "350 pesos po Ma'am." Kinapa ko ang wallet ko sa loob ng bag ko, na sa sobrang dami ng laman ay hindi ko na alam kung saan ko inilagay. "Sandali lang Miss ha," giit ko sa kahera. Ngumiti naman siya habang ako naman ay nagpatuloy sa paghahanap. Nasaan na ba kasi 'yon? Daig ko pa ang nangangalkal sa basurahan ng dahil sa laman ng bag ko. "Here." Natigilan ako sa paghahanap ng wallet ko ng marinig ko ang boses na iyon. The deep and husky voice -- boses na parang laging nang-aakit. Pamilyar din sa akin ang pabangong gamit niya. Napansin ko rin ang tattoo sa palapulsuhan niya na matagal ko ng nais ipa-tattoo sa akin noon. "Keep the change," giit niya pa. Naramdaman ko ang bahagyang pag tama ng mainit niyang hininga sa bandang batok ko. Pakiramdam ko nga rin ay nakatingin siya sa akin. This guy... He must be- "Uh thank you?" patanong niyang saad sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniya, at nagkunwaring naghahanap pa rin sa loob ng bag ko. "Thank you... I, ahm... p-pay you." I stuttered. I felt nervous and I can almost hear my own heartbeat. "No need." he said. I can feel his mischievous smile while staring at me. Matapos niyang sabihin 'yon ay nagmamadaling lumabas na siya. Kinuha ko naman ang inorder ko, bago bumalik sa mesa kung saan naroon si Stephen. "What took you so long Mom?" kuryosong tanong niya. Umiling lang ako at inabot sa kaniya ang pagkain niya. Nang makaupo'y tinanaw ko ang lalaking ngayon ay nakatayo na sa tabi ng itim na sasakyan, habang may kausap sa cellphone niya. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang babae. Mariin niyang hinalikan ang lalaki na gumanti naman ng yakap sa kaniya, bago muling pumasok sa loob ng kotse ang babae. Nakangiting umikot naman sa kabilang pinto ang lalaki at binuksan iyon. Ngunit bago siya pumasok sa loob ay nakita kong tinanaw niya pa itong fast food chain na kinalulugaran namin ngayon ni Stephen. Halos manlaki rin ang mata ko ng mapansing kumunot ang kilay niya ng mapatingin sa gawi ko. "My gosh! Did he recognize me?" I unconsciously asked myself. "Who Mommy?" kuryosong tanong naman ni Stephen sa akin. Nginitian ko lang siya bago pasimpleng tinignan muli ang lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito'y umandar na ang sasakyan kung saan naroon ang lalaking 'yon. "Nothing love kumain ka na," baliwalang sagot ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. That man, how can I forget him? His smell, his voice, and his stares, everything about him was perfectly engraved in my memory. Memories of my past, and the reason for my present. Tinignan ko si Stephen na ngayon ay maganang kumakain. Madungis na rin ang mukha niya gawa ng sauce ng spaghetti. Ganoon pa man, hindi pa rin maipagkakaila ang pagkakapareho nila ng ama nila ni Sancho. Kaparehong mata, ilong, labi, buhok at maging ang pagkunot ng kilay at noo niya ay namana niya sa kaniyang ama. Kulay ko lang yata ang nakuha sa akin ni Stephen. Kaya naman paanong hindi ko malilimutan ang lalaking 'yon? Ang lalaking nagpadama sa akin sa kamunduhang minsan ko lang nadama. Pinalasap niya sa akin ang isang gabi na hindi ko malilimutan kahit kaylan. Isang gabi lang, ngunit ng dahil doon ay nagbago ang lahat. "I'm done!" sigaw ni Stephen na nagpabalik sa akin sa katinuan. Naubos niya na nga lahat ng pagkain niya. Napakadungis na rin ng mukha at kamay niya. Kinuha ko ang wet wipes sa bag ko at pinunasan ang bibig at mga kamay niya. "You look exactly like your father," wala sa loob na sambit ko. Kahit ako'y natigilan ng mabigkas ko iyon. "You mean, Daddy Brent Mom?" maang na tanong niya naman. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. Mabuti na lang at iyon ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Dito na rin po ba titira sina Daddy, Sancho, Lolo at Lola, Mama?" muli niyang tanong. Sa sinabi niyang iyon ay napatayo ako kaagad. "Oh my god! Stephen let's go." Kinuha ko na ang mga gamit namin at hinila na siya patayo. Sa kaiisip ng kung anu-ano ay nakalimutan ko na sila. Baka ngayon ay nasa labas na sila at kami naman ang hinahanap. Nang makarating kami sa arrival, tama nga ang hinala ko. Naroon na nga sila at nakaupo sa kaparehong puwesto, kung saan kami nakaupo kanina. "Daddy!" sigaw ni Stephen bago tumakbo palapit kay Brent. Nagmadali na rin akong lumakad at ng makalapit sa kanila ay kaagad akong yumakap sa mag-asawang Smith, bago kinarga naman si Sancho. "Hey little buddy, how are you?" tanong ni Brent kay Stephen. Kinarga niya rin si Stephen at hinila ako palapit upang yakapin. "And you too?" "Were good Dad. Dito na po kayo titira?" nakangiting tanong ng anak ko kay Brent. "Nag behave ka ba dito habang wala kami? Baka naman pinasakit mo ang ulo ni Mommy?" balik tanong naman ni Brent. Alam kong iniiba niya lang ang usapan, upang hindi na muling magtanong pa si Stephen sa kaniya. Si Sancho naman ay tahimik lang na nagmamasid sa amin at sa paligid, tila ba naninibago. "No po, good boy po ako." Nakataas ang kanang kamay na sagot naman ni, Stephen kay Brent. "I doubt!" sansala ng kambal niyang si Sancho na ikinatawa namin. Sa unang tingin ay malilito ang sino mang makakakita sa kanila. Kahit ako dati'y hindi ko matukoy kung sino si Sancho at sino si Stephen. Ngunit habang lumalaki, nagiging magkaiba ang kulay nila. Stephen got my skin color which is lighter than Sancho who got his father's skin... A not-so-dark skin tone. "Tara na para makapagpahinga na rin muna kayo." Hinila ko na ang maletang hawak ni, Brent, dahil hindi na nagpababa si Stephen mula ng kargahin niya. Nauna na rin akong lumakad habang sila naman ay nasa likuran ko. Mabuti na lang pala at medyo malaki ang nirentahan kong sasakyan. Hindi pa rin kasi ako nakakabili dahil may pinaglalaanan ako ng pera. "Saan nga pala kayo tutuloy? Hindi pa tapos ang dalawang silid sa bahay na nabili ko, pero kasya naman tayong lahat doon. Maybe after two or three weeks, tapos na 'yon." Isang linggo bago kami umuwi ni Stephen dito sa Pilipinas ay nag hanap na ako ng bahay na puwedeng upahan. Sakto naman na nakita ko ang MGS sa social media, kung kayat doon na lang ako bumili. Hindi na rin masama, dahil maluwang ang lugar at maayos ang mga kabahayan. Mainam na rin na may sarili kaming bahay dito, dahil dito ko na pag-aaralin sina Stephen at Sancho sa pasukan. "Thank you dear, but for now let's stay at the Hotel," sagot sa akin ni Mama. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin akong tawagin siyang Mama. Hindi ko kasi nakasanayan, ngunit mabait naman si Mama Belinda. "Saang Hotel po Ma?" balik tanong ko sa kaniya. Katabi ko si Brent sa driver's seat, habang sina Mama Belinda at Papa Jacob ay pinagigitnaan ang kambal na sina Stephen at Sancho sa likod. "Steve's Hotel. We booked the Presidential Suite, my dear, lets's stay there for two days." Daig ko pa ang naparalisa sa kinauupuan ko ng marinig ko ang pangalan ng Hotel na iyon. Pucha! Sa dinami-rami ng hotel sa Pilipinas, bakit naman iyon pa ang napili nila?! Ilang taon na ba simula ng huli akong umapak sa lugar na iyon? Kung puwede ko nga lang ibaon sa limot ay ginawa ko na, ngunit hindi. Hindi mawala sa isip ko ang lugar kung saan una akong natukso. Lugar kung saan nadala ako sa init ng haplos niya, higpit ng yakap niya, at kung saan nabuo ang mga munting buhay na pilit kong inililihis ng landas, 'wag lang matulad sa akin. Akala ko'y hindi na muling mahahalungkat pa ang nakaraan ko. Just by sitting here inside the car, flashes of my past came naturally. Seem like I'm watching my very own story while my eyes are closed. Mabilis at sunod-sunod na bumalik lahat ang ala-ala ng aking kahapon. Hindi alam ng pamilya ko kung ano ang sinapit ko noong wala sila. Noong wala akong ibang makapitan kun'di ang sarili kong kamay, habang nagsisikap na itaguyod ang araw-araw upang mabuhay. Wala akong ibang alam dati kun'di ang sumayaw at umindayog sa saliw ng maharot na musika. Palakpak ng ibat-ibang tao na karamihan ay lalaki ang siyang nagpapalakas ng loob ko. Habang hinahanap ko ang pamilya ko'y, ang bahay aliwan ang humubog sa pagkatao ko. My family never tried to ask me about my story. Maybe they wanted to ask... but maybe, they wanted me to tell them willingly. Ganoon pa man ay tinanggap nila ako ng walang alinlangan. But just like before, my story remained untold. Tulad ng kung paano rin banggitin ng mga nakilala at nakasama ko noon sa mga nagtatanong kung sino ako. Hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan, kung saan naging isang kuwento sa lahat ang buhay ko. It wasn't a tragic, thriller, or love story. But it was and always be... "The Untold Story of Jewel" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD