*** "Hey, you okay?" "I'm fine Gene" pagod na sagot ko. "You sounded sad and upset" aniya sa kabilang linya. "Pagod lang babe, I miss you" sagot ko. Ramdam ko ang matinding hapo sa di ko maintindihang dahilan. "Miss na din kita, naglunch ka na ba?" "Papunta pa lang, hinihintay ko lang si Pam palabas na ng OR, medyo na toxic ako kanina sa ER eh" sagot ko. "Okay then, let's facetime na lang pag uwi mo...hindi ka naman on call diba?" s**o nito sa kabilang linya. "I love you Gene" ani kong napatawa ito. "I love you too baby" aniyang napangiti ako. Kung kanina ay nawala ako sa mood, at least ngayon naibsan ang literal na pagkahapo ko. Pag alis ko ng opisina ni Doc Chris ay ipinatawag niya akong muli na sinabihang ako ang assisting surgeon ni Mike. Di na ako makatanggi, ayaw kong masab

