** "Are you sure marg? Pwedeng kami na muna dito" tanong ni Tita Norma. Nagprisinta akong ako na muli ang magbabantay kay Eugene. Tumango ako. "M-may problema ba? Nagtalo ba kayo ni Myles?" aniyang muli na humawak sa kamay ko. "Hindi po, may konting hindi lang pagkaka intindihan" sagot ko. Pagkatapos ng tagpong iyon sa labas ay hindi na akong muli kinausap ni Ate hanggang nagpaalam siyang bumalik ng Davao. "Kung gusto mo, kami muna ng Tito Gino ang kasama ni Gene dito, wala ka pa ring maayos na pahinga mula ng naadmit si Gene dito" aniyang pagaalala. Tumanggi ako, gusto kong ako ang magmonitor kay Gene habang hindi pa ako abala sa trabaho. "O siya, ikaw na ang bahala... salamat Anak at napakatiyaga mo sa anak ko" yakap ni Tita Norma. Napangiti ako, yumakap akong pabalik. "Mahal ko p

