*** "Marg..." gulat akong napabalikwas sa mahinang tapik sa akin. Napatayo akong napahilamos ng mukha. Umatras ako ng kaunti, naandon lahat ng doktor na kasama ko, oras na ng rounds. Nakatulog akong nagbantay kay Eugene, magmula ng dinala ko siya dito sa ospital ay wala akong maayos na pahinga. Inayos ko ang buhok ko at pagkagusot ng damit ko. Naandon din sina Doc Chris at ibang neuro consultants at residenteng duty kagabi. Pansin ko sa gilid si Mike na nakatayo sa gilid na nakatitig. Umiwas ako ng tingin. Nag present ng kaso ni Gene ang residente kagabi. Umatras akong pumwesto sa likuran. "How are you Marg?" bulong ni Doc Chris na tumabi sa akin. "Okay lang po" sagot kong tipid. "You look tired and exhausted, nakapagpahinga ka man lang ba?" aniyang tanong muli na tinanguhan ko. "Pw

