--* BUSY AKO SA PANUNUOD SA CELLPHONE ng tumawag sakin si Julio. Alas syete na ng gabing iyon at tapos na akong kumain. Hindi makakauwe ng maaga si Julio dahil may party siyang pupuntahan ngayun. Nagsabi na siya kanina kaya hindi na ako nagluto at pinadalhan na lang niya ako ng pagkain ko. Kaya naman ay ako lang ang mag-isa sa kwarto habang nanunuod sa cellphone kasi hindi pa ako inaantok. Natulog kasi ako kanina matapos kung maglinis ng bahay. At napahaba ang tulog ko kaya hindi pa ako inaantok ngayun. " Hello." Tamad kung sagot. " Hi, baby kumain kana?" Malambing ang boses na tanong ni Julio mula sa kabilang linya. Sa tuwing kakausapin niya ako ay palaging malambing ang boses niya kaya naman ay natutuwa ako. Kasi ang sweet sweet niya. " Okey na po. Nandito ako sa kwarto." " Anong

