" Oo nga. Hi Ms.Seksi." Nakangising sabi naman ng isa. " Hello." Nahihiya ko naman aniya habang may keming ngiti sa labi. Hindi ko akalain na natatandaan pa nila ako. At kakausapin kahit matagal na kami hindi nagkikita. " Merun kaba ngayun?" Walang preno prenong tanong ni Singkit kaya nag-init ang pisngi ko sa hiya. Hindi tuloy ako nakapagsalita agad at nakasagot dahil sa hiya. " Dahan dahan lang dude sa pagtatanong. Nahihiya tuloy si Ms.Seksi." Sabi pa ni Kano. " Pasensya kana sa kaibigan ko. Masyado kasing intremitido ang kaibigan ko. So, namimili ka pala ngayun." " Hindi, namamasyal lang." Sarkatiko naman sagot ni Singkit kaya lihim akong napangiti. Pinukol tuloy siya ng masamang tingin ni Kano sabay siko. Natawa lang si Singkit at hinawakan ang cart ko. " Tulungan kana namin." A

