Hindi siya nagsalita pero ramdam kona ayaw niyang magsimba ngayun. Hindi ko siya pinansin at pinagsandok kona lang siya ng pagkain saka nagsimula ng kumain. Kumain na rin naman siya kahit tahimik. Napailing na lang ako sa inasal niya. Kapag ayaw niya ay dinadaan palagi sa pananahimik. tsk. --* NASA LOOB NA KAMI NG SASAKYAN HABANG pinapa-andar ni Julio patungo sa simbahan. Tahimik parin siya kaya hinimas ko ang mga hita niya ng may pang-aakit kaya napalingon sakin si Julio. " Galit kaba?" Malambing kung tanong sa kanya. Umiling ito. " No, baby. Ang seksi mo kasi sa suot mo ey. Panigurado marami na naman ang titingin sayo." Madilim ang mukhang sabi nito. " Sus, tingin lang naman, baby. Hindi naman nila ako mahahawakan." " Kahit na." Mariin na sabi nito. " Gusto ako lang ang titingin

