" Kamusta naman po ang meeting niyo sir?" Patay malisyang kung tanong habang nakadikit parin dito. Huminga naman ng malalim ang boss ko na tila pinapakalma ang sarili. Alam ko tinatablan na siya sa mga pang-aakit ko ngunit hindi niya lang magawa dahil may girlfriend na ito kaya ako na ang gagawa ng paraan para may mangyare samin. " Okey naman. Dumating na ba si Neneng?" Tanong niya kaya hindi ko naiwasan umirap ng marinig ang pangalan ng babae. Mabuti na lang ay hindi siya nakatingin dahil panigurado ay makikita niya ang mukha ko. " Yes, sir. Nasa loob na po." Magalang ko parin sagot kahit nanggagalaiti ako sa inis. Kaagad naman nagtungo sa opisina ang amo ko at pumasok sa loob habang masama naman ang mukha ko sa inis. Bweset! --* NENENG ( POV ) KAAGAD AKONG NAPANGITI NG MAKITA KO SI

