" Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko pa sakanya kasabay ng paghalukipkip ko. " Sorry na." Malambing ang boses na sabi nito habang malungkot ang mukha niya sabay hawak sa kamay ko. " Akala ko kasi napano kana ey, o kaya umalis ka." " Saan naman ako pupunta kung umalis man ako dito?" Mataray ko parin sabi habang nakaismid. Huminga ng malalim si Julio. " Natatakot lang ako. Mamaya kasi ay nakikipagkita kana sa iba." " So inaakusahan mo ko?" Hindi ko naiwasan masaktan sa sinabi niya. Ma " No, baby." Mabilis niyang sagot at hinila pa niya ako palapit sa kanya pero hindi ako nagpahila dahil inis parin ako sa kanya. " Gano'n kasi ginawa sakin ng naging girlfriend ko kaya natatakot na ako. Kaya nga hindi kita hinahayaan na umalis kapag hindi ako kasama diba? Kasi natatakot ako."

