" Umuwe na po sa kanila." Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. " Umuwe sa bahay nila?" " Opo, umuwe sa kanila. Mamaya pa sila pupunta dito mamalimos. Bahay naman sila." " Paano mo nalaman?" Tanong ko pa sa kanya. " Kapitbahay bahay namin sila. Tanging pamamalimos lang ang trabaho nila tapos ang tatay namn niya ay nangangalakal." Sabi pa nito kaya napatango tango ako. Parang bigla akong nalungkot kasi sabi ng bata wala silang bahay at dito na sila nakatira. Nagsinungaling lang pala siya sakin para palagi ko siyang bigyan ng pagkain at kaawaan. Binigay kona lang sa batang lalake ang pagkain at umalis na habang tinatawagan si Julio, Pero hindi naman niya sinasagot kaya hinayaan kona lang at umuwe ng bahay. --* NAANLIPUNGATAN AKO NG MARINIG KUNG NAG-IINGAY ANG PHONE ko kaya kinuha

