Gusto ko pa naman ay sabay kaming kakain sa niluto kung ulam kaya nagmamadali ako. " Ano ba 'yan traffic." Bulong ko habang nasa likod ako naupo kesa harapan. " Pasensya na ma'am mukhang may banggaan sa unahan." Wika ni kuya ng mapansin na masama ang mukha ko. Hindi naman ako umimik at tumingin lang ako sa labas. Nag-antay pa kami ng ilang minuto bago umusad ang traffic. Napabuntong hininga na lang ako dahil napaka-traffic talaga dito sa pilipinas. Dami dami kasing mga sasakyan pero wala naman mga parking lot kaya daming bara bara sa daanan. Makalipas ng ilang sandali ay nakarating 'din kami sa opisina ni Julio. Ilang minuto na lang ay mag-aalas dose na ng tanghali kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng building at binati si Kuya Guard. " Hello po." Ngumiti naman siya kaya tuluya

