Subrang sakit ng ginawa niya at hindi ko siya mapapatawad dahil sa nakita ko siyang kahalikan niya ang kanyang sekretarya niya. Kaya pala kinakabahan ako kanina dahil may ginagawa na siyang kalokohan. " Hayop siya!" Bulong ko saka padabog na nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot sa katawan. Nakalimutan kung buksan ang electricfan. " Baby open the door please." Narinig kung sabi ni Julio sa labas ng kwarto ko at hindi ko siya pinansin saka tinakpan ang tenga ng unan para hindi ko marinig ang boses niya dahil naiinis ako sakanya. Hanggang sa napagod na ata si Julio ay hindi kona narinig ang boses niya. Napaismid naman ako at tinulugan kona lang ang pag-iyak. Kanina pa ako umiiyak at namamaga na ang mga mata ko kakaiyak. Sa Park ako dumeretso para doon maglabas ng sama ng loob. Mabuti n

