Nang matapos magluto ng almusal ay naghanda na ako ng pagkain sa dinning area para makakain na siya bago pumasok sa work. At kahit hindi kami maayus ni Julio ay sinisiguro ko naman na nakakain siya ng almusal bago pumasok sa opisina. --* NANG UMALIS NA SI JULIO AY saka naman ako kumain mag-isa. Alam ko nakakalungkot ng ganito pero kailangan kung tikisin ang puso ko para hindi na ako masaktan ulet. Para tuloy akong tanga habang kumakain ay umiiyak ako. Hindi pa alam ni Betty na buntis ako dahil hindi ko pa sinasabi. Pagagalitan lang kasi ako no'n kapag sinabi kung buntis ako pero hindi kami okey ni Julio. Hindi ko naubos ang pagkain ko kaya niligpit kona lang saka hinugasan ang mga pinagkainan ko. Ang dami kung nilinis sa lababo sa kagagawan ni Julio. Puro basag na itlog at mga iba pang

