" Tang ina na naman, Neneng." Aniya na marahas na tumayo kasabay ng pagbuntong hininga saka tumingin sakin. " Bumabawe naman ako diba? Hindi pa ba sapat 'yun? Lahat ginawa kona tapos gusto mo parin akong iwan? Paano ang anak natin? Lalaki siyang walang ama at hindi buo ang pamilya." Galit na sabi niya sakin. Nakaramdam naman ako ng takot ng makita ko ang galit sa mukha niya. Ngayun kona lang siya ulet nakitang gano'n. Tila napansin naman iyon ni Julio kaya lumambot ulet ang mukha niya saka naupo at hinawakan ang kamay ko. " Gusto mo bang magbakasyon? Papayagan kita, pero please, bumalik ka sakin." Subrang lungkot na ng mukha niya habang tila maiiyak na ang mga mata niya. " Papayag ka?" Tanong ko pa. " Yeah, para makapagbakasyon ka naman at makapag-isip isip." " Paano kung hindi na ak

