" Garden be. Gusto mo makita ang pool?" " Talaga ba? Patingin ako." Kinuha ko ang cellphone saka pumunta sa pool para makita ng kaibigan ko. " Wow! ang ganda naman diyan, bes. Ang yaman ng amo mo huh." Komento ni Betty habang nagniningning ang mga mata. " Parang gusto kona rin pumasok diyan." Tumawa pa ang gaga. " Sira." Sambit ko saka tinutor ko ang kaibigan ko sa garden pero sa abot lang ng ilaw. " Ang ganda naman diyan, bes." " Ganda diba? Kaya lang hindi na kumukuha sila maam ey. Kumpleto na kami." Pagsisinungaling ko. " Gano'n ba?" Nalungkot naman ang gaga. Bumalik na ako sa kinauupuan ko dahil medyo nakaramdam ako ng hilo. Mamaya na ako maliligo kapag nawala na ang lasing ko. Mamaya malunod pa ako kapag naligo ako ng lasing. " Wag kana mangatulong. Mamimiss ka lang ng bebe m

