Sabi ng tatlo kaya nagpantig ang tenga ko. Ayaw ko pa naman sa lahat ay minamaliit ako dahil hindi naman ako nang-aapak ng tao. Nang akmang hahakbang na ako para sugurin ang tatlo ay mabilis akong hinawakan ni Julio sa braso at inawat ako. " Don't, baby. Wag muna sila patulan." " Pero sumusubra na sila." Giit ko. " Hindi naman nila ako kilala kung makapaghusg sila." Sabi ko sa galit na boses habang nakatingin ng masama sa tatlo. Tinawanan naman ako ng tatlo at umalis na. Nanggigigil naman akong huminga ng malalim para mawala ang galit na nararamdaman ko sa tatlong babae. " Sshh.. tama na. Bili na lang tayo ng teddy bear mo." Wika ni Julio at hinila na ako palabas ng palaruan. Dinala ako ni Julio sa bilihan ng teddybear kaya medyo nawala na ang inis ko at ngumiti na. Pasalamat talaga a

