" Oo, lulunurin kita sa alak." Sarkatiko kung sambit. " Yan, yan ang gusto ko sayo, cici." Parang kinikilig na sabi ni Betty. Tuwang tuwa ang loka loka, basta alak talaga ey. " Edi wow." Aniya habang may ngiti rin sa labi. " Alam mo bang inaabangan nila ang pag-uwe mo?" Kapagkuwan ay kwento ni Betty. " Madaldal rin kasi ang nanay mo ey. Ipagkalat ba naman na maghahanda daw kayo." Napahawak tuloy ako sa nuo at napailing sa narinig. Balak ko sanang mag-handa pag-uwe ko sa bicol pero kaunti lang para may handa naman kami sa fiesta. Hindi kasi namin naranasan maghanda tuwing fiesta dahil sa kakulangan ng pera. Ngayun na mayroon na akong trabaho at gusto kung maghanda kahit kunti lang. " Si Inang talaga." Sambit ko. " Happy lang kasi ang inang mo kaya pinag-kalat niya." Natatawang sambit

