--* " AKALA MO SIGURO HINDI KO ALAM NO? Sinundan kita no'ng time na nag-iinuman tayo sa bahay ng jowa ko at narinig kung binanggit mo ang pangalan ni Julio. Tapos narinig kona lang umuungol kana sa loob ng kubo. Boss mo diba?" Wala na, sukol na ako kaya kailangan ko ng sabihin ang totoo kay Betty. Ang kailangan kona lang ay pakiusapan siya para hindi malaman ni Inang ang ginagawa ko sa manila. Huminga muna ako ng ilang beses bago siya hinawakan sa kamay at hinila siya paupo. " Okey!" Nagpakawala ulet ako ng hininga bago nagsalita. " Siya nga, ang boss ko ang palagi kung kausap at ka-text." Napaawang naman ang labi ni Betty sa subrang gulat sa nalaman. Akala ko ba alam na niya? Bakit nagugulat pa siya? Pero nagulat ako ng hampasin niya ako sa kamay. " Gaga ka! So kabet kana ngayun?"

