" Lalake ako, neneng. Natural titigasan ako pero hindi ko siya papatulan. Magkaiba 'yun, baby." Humaba tuloy ang nguso ko sa narinig. Sabagay may point naman siya dahil lalake si Julio at malibog. Natural sa lalake ang tigasan kapag may nakikita silang babaeng kita na ang kaluluwa. Hindi na talaga maalis iyon sa kanila. Ang mahirap lang do'n kapag pinatulan na nila. Tingin ko naman ay hindi papatulan ni Tanda ang sekretary niya at naniniwala ako sa kanya. " Okey." " Oh? ang haba na naman ng nguso mo. Wala kana nga dito, inaaway mo pa ako." Paglalambing sakin ni Julio habang may ngiti sa labi. Kung magkatabi lang kami nito ay subra niya akong lalambingin. Malambing si Julio at mahaba ang pasensya niya sakin. Kahit wala kaming relasyon na dalawa ay para na kaming may relasyon dahil nagka

