Natuwa naman ako syempre. " Talaga? Pananagutan mo ako?" " Oo naman. Gusto ko ikaw ang makasama ko hanggang pagtanda. Ikaw ba?" Tanong ni Julio ng biglang sumeryuso ang mukha niya at tinititigan ako sa mga mata. May nakikita akong takot sa mga mata niya kaya hinalikan ko siya sa labi para hindi siya mag-isip ng kung ano ano. " Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, oo." Sagot ko matapos ko siyang halikan sa labi. " Kahit matanda na ako at mas matanda ako sayo?" Parang duda parin na tanong niya kaya pinanggigilan ko ang ilong niya at pisngi. " A sus, naiin-sekyor ang baby ko? Alam mo naman wala akong pakialam kung matanda kana diba? Kung ayaw ko sayo sana hindi ako pumapayag at hindi kita mamahalin." Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at nang-aakit na tumitig dito. " Wala akong pakialam kun

