" Do you like it?" Anang ni Julio sakin. Nakangiti naman akong tumango habang ngumunguya. " Mamaya na pala tayo umuwe. May tatapusin lang ako." Kapagkuwan ay sabi nito. " Okey, baby. Sa kwarto lang ako." Hinaplos naman niya ang mukha ko. " Hindi kaba naiinip?" Marahan naman akong umiling. " Hindi, may cellphone naman ako." " Baka kasi naiinip kana." " Okey lang ako. Chill ka lang, baby." Ani ko na kumindat dito dahilan para mapangiti si Julio. " Oh sige, after kung matapos ang ginagawa ko ay uuwe na agad tayo." " Okey po." Marami pa kami napag-usapan ni Julio hanggang sa matapos kaming kumain at nagtrabaho na siya. --* NASA LOOB LANG AKO NG KWARTO habang nagtatrabaho si Julio sa opisina nito. Kausap ko ngayun si Betty habang nagdadrama na naman dahil nag-away sila ng jowa nito.

