" Okey naman po, sir. Magaling na ang inang." Tugon ko habang ngumunguya. " Mabuti naman kung gano'n. Sino naman ang nagbabantay?" " Best friend ko po, sir. Wala kasi akong kapatid kaya ang kaibigan kona lang." Aniya na kumakain parin. " Wala ka bang kamag-anak?" Tanong parin niya sakin habang napapalingon. Tumango ako. " Merun po, sir. Ayaw ko lang po sila abalahin kaya sa kaibigan kona lang kasi mas malapit ang bahay nila samin." Tumango-tango naman ang amo ko. " Dalawa na lang pala kayo." " Opo." Sabi kona kumuha ng sabay at nilagay sa mangkok ko. " Malakas ka pala kumain?" Napabaling ako kay sir Julio ng marinig ang tanong niya. Hindi naman ako nahihiya sa kanya dahil makapal ang mukha ko hehe. " Masarap po kasi kumain." Nakangiti kung sagot. " Oo nga ey, ang sarap mong kumai

