--- TANGHALI NA KAYA TINAWAGAN KO si Julio sa opisina para ipaalala na oras na ng tanghalian. Ilang ring bago sinagot ang tawag ni Julio. " Hello, baby." " Hello, kumain kana ba?" Tanong ko habang nakaupo ako sa kama ni Julio. Ito na lang ang lilinisan ko dahil natapos kona ang iba. Mamaya lilinisin ko naman ang pool dahil trip ko maligo mamaya sa pool. " Oh! hindi pa, baby. Katatapos lang kasi ng meeting ko." Napanguso naman ako. " Gano'n? Nalipasan ka na naman." Palagi na lang siya nalilipasan dahil sa trabaho niya. Kaya nga pinapabaunan kona siya para hindi siya malipasan pero gano'n parin. " Kakain na ako. Wag kanang malungkot diyan." Wika ni sir Julio na may ngiti sa labi. " Kumusta kana diyan? Tapos kana ba maglinis?" Kapagkuwan ay tanong niya sakin mula sa kabilang linya. "

