C30 NAKATINGIN si Heart sa text message na kanyang natanggap. Kanina pa niya ito tinititigan at ina-absorb ang laman. It was so simple but she was having a very hard time processing the details. Details nga ba o ang kanyang magiging desisyon ang nagpapatagal sa kanyang mag-isip? Nasa loob siya ng kwarto ni Lush dahil natulog ang bata sa sobrang pagod at excitement sa baby nila. Siya naman ay umupo na lang muna sa sofa dahil nag-video call si Lexi sa kanya. Masaya siyang nakita ang kanyang buong pamilya. Nasa kainan ang mga iyon at ang daming tao na kumakain, mga galing din siguro sa simbahan. Tumutulong ang mga kapatid niya sa kainan kaya natutuwa siya. Kahit na nakaangat-angat na sila sa buhay ay hindi pa rin nagbago ang mga kapatid niya. Natuto siguro iyon sa kanya na masipag pa rin

