C12 NAPAKURAP na lang si Heart nang pakawalan siya ni Lux. Pasipol-sipol ang kumag na naglakad papalabas kaya tahimik siyang sumunod dito. Dumaan ito sa may theater at may hinanap sa laptop. Kunot noo siya hanggang sa umere ang kanta sa mga speakers. Kanta iyon ng isang banda. Lumabas ito habang nakatingin sa kanya, nakangiti pero hindi niya nginitian. Para naman siyang tanga na pinakinggan ang kanta, na kahit ayaw niya ay parang mga tengang daga siya. Kusang pumapasok sa mga iyon ang lyrics ng kantang, Mahal pa rin Kita. Pasimple iyon na lumapit sa mesa kung saan may mga naghihintay ditong mga businessman. Bumalik naman siya sa counter at nag-umpisang manilbihan ulit bilang kahera. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga chats sa gc nila sa eskwelahan. GC iyon na sila lang na magkaka-klase.

