C2

2014 Words
C2 NAGMAMADALING bumaba si Heart sa sasakyan nang makarating sila sa tapat ng restaurant. Halos tumakbo siya papunta sa opisina ni Vandros. Nakangiti ang mga kaibigan niya sa kanya nang matanawan siya marahil kaya kumaway siya sa mga iyon pero isang sipol ang narinig niya kaya agad siyang napalingon. Sinong bastos ang nangahas na sumipol sa kanya? Nakangisi si Lux, "You forgot something, Mrs. Montesalvo," anito kaya agad niyang kinalkal ang bag. Anong naiwan niya? "Wala akong naiwan," aniya rito pero mas mabilis pa sa makina ang kamay nitong kumabig sa likod niya. Luminga ito saglit at nang makita na walang mga tao ay hinalikan siya kaagat. "Basta lumayas e," anito kaya natawa siya at napalo ito sa dibdib. "Sorry, na-excite akong makausap si Vandros. "Dapat ko na ba siyang pagselosan?" Lalong napalakas ang tawa ni Heart dahil sa biro na yun ni Lux, "Sira ka talaga. Babye na. Ingat ka po. Happy na?" aniya rito para huwag na itong magtampo pa. Talagang nakalimutan niya kanina ang magpaalam dito dahil para siyang naunsyaming artista na kumakabisa ng mga linya, para sa pagharap niya sa kauna-unahang franchisee nila. She was trying to practice good communication skills to convince the buyer to pay hundred percent for the trademark of Macho Cafe and Restaurant. Kahit na wala pa naman yun ngayon, hindi na siya mapanatag. Malaking karangalan kapag napapayag niya iyon at nakumbinsi. "Go now," Lux said with a tap on her butt." Napahagikhik siya saka naglakad patungo sa opisina ng kanyang dakilang manager/supervisor. Nakakatuwang isipin na si Vandros ay hindi binibitawan ang mga restaurants kahit na may sarili namang negosyo ang pamilya. Kumatok siya sa pinto nang makarating siya sa opisina. "Come in!" Ani Vandros. She remembered the first time she walked in, inside Vandros' office. She was so hesitant to ask for help. Ngayon, pumapasok siya roon na walang inhibisyon dahil girlfriend na siya ng may-ari. Kahit na nagkaroon siya ng pag-o-overthink dahil si Vandros ang tagabili ni Lux ng babae noon, hindi siya nangahas na magtanong dahil ayaw na niyang malaman at ungkatin pa. Hindi madaling magtiwala ng lubos sa isang lalaking bumibili ng mga babae pero napagtagumpayan niya. Lux helped her though. Sobra-sobra ang atensyon nun na ibinigay sa kanya at pagmamahal. Sa tuwing nag-aaway sila, bumabalik ang pangamba na iyon, but Lux stays and never leaves. Hindi lang sila nag-iimikan. Hindi naman masasabing napakaperpekto ng relasyon nila. May mga pinag-aawayan din sila pero hindi sila tumatalikod sa isa't isa. Sana lang ay parating ganun. Pero habang tumatagal, ang isip niya ay nagkakaroon ng kapanatagan. Her mindset changed. Hindi niya saklaw ang paggalaw ng kapalaran at ng hinaharap. Ang mahalaga sa kanya ay nagagawa niya ang dapat para palaguin ang kanilang relasyon. Nakangiting pumasok si Heart matapos na itulak ang pinto. Vandros smiled, "Tumawag ulit ng kliyente at nagtatanong kung sino raw ang pwedeng makausap nang personal para sa sa franchising. Sabi ko ay ikaw." Tumango siya, "Kailan daw?" "Bukas. Here's the address and I prepared it for you. Good luck." Isinulong ni Vandros ang isang papel, na may nakasulat na address at muntik siyang matumba nang makita na sa Macho Cafe lang din iyon. "Langya ka!" Humalakhak ito kaya naman napasimangot siya. "Mas gusto kong dito kayo mag-usap para safe. Abogado lang ang nakausap ko, malay ko ba kung panggap." "Tama ka," aniya rito, "Linggo naman bukas, maghapon akong nandito kaya kahit na anong oras ay libre ako." Tumalikod na siya pagkasabi nun at handa ng pumunta sa counter para sa kanyang trabaho. "Sana lang ay hindi ito lalaki at baka magkaproblema kay Lux." Napakunot noo siya at nilingon si Vandros, "At bakit naman?" "That man will never like it if a guy ogles you." "Negosyo ito, sir Van. Sira ulo siya kapag ginawa niyang i-turndown ang offer dahil lang lalaki ang franchisee." "Asus, nagsalita ang hindi selosa," anitong parang inosente na binalingan ang laptop. She just giggled. "Madali lang yun, ako lang ang pwedeng makipag-usap kapag babae ang kliyente." "Babae ito, palagay ko kasi ang sabi ng abogado ay she. He said Jones but said, she. I presumed that Jones was used as a woman's name." "Baka, pwede rin na bakla." Tuloy-tuloy na siyang naglakad papalabas. BIHIS na si Lush nang matanawan ni Heart ang anak. Seeing this kid never fails to make her smile. Dulo pa lang ng kulot nitong buhok ang kanyang makita ay napapangiti na siya parati. "Mommy!" Sigaw nun sa kanya nang makita rin siya at parang miss na miss na siya kaagad. Sinalubong siya nun at agad na nagpakarga sa kanya. "I'm so tired, Mommy. I want, bobbie." Sumandal ang ulo nito sa balikat niya. Ang tinutukoy nitong boobie ay ang dede niya. Iyon ang libangan ng anak niya tuwing napapagod na at inaantok. "Halika na, uuwi na para may boobie na. Say hi to Daddy," aniya saka iniharap ang smartphone para makita ni Lush ang ama sa video call. "Heyow, Daddy!" Tamad na sabi ng bata sabay kaway kay Lux pero agad din na sumandal sa balikat niya. "He's f*****g tired," ani Lux kaya pinandilatan niya. "Did s**t, Daddy. Yes." Sagot naman nito na nagpatawa sa ama. Big s**t daw. Tinuturuan niya ito na huwag magsasalita ng mga ganun dahil nakakahiya, at natutunan naman ni Lush na sa ama lang makipag-usap ng ganung mga salita, dahil dun naman nito iyon natutunan. "I don't want to do swimming anymore. Papagod na ako, Mommy. Ulit-ulit-ulit swim. Punta dun, punta dun tapos dito, dun ulit," nabuburyong na kwento nito kaya natatawa siya. Kasunod nila ang natatawa nitong Yaya, si Pancha. Nagbabantay lang naman ang yaya tuwing may swimming lessons si Lush at may pasok sa Play school, at hindi siya pwedeng sumama. Pero lahat ay ginagampanan niya para sa anak niya, tulad kung paano sila inalagaan ng Nanay niya noon, hanggang ngayon na sila ay malalaki na. Pagkasakay na pagkasakay nila sa sasakyan ay feeding bottle kaagad ang kinuha ni Lush saka nahiga kaagad sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakasuot na kaagad sa damit niya, hawak ang isa niyang dibdib. "f**k, that makes me feel so envious," ani Lux nang makita ang kamay ng anak kaya natawa na lang siya, "Sana makauwi na rin ako. Tang-ina." "Ssssshhh!" Aniya roon, "Uuwi kaagad e maaga pa naman." "Nagpapasama pa nga si Mama sa amiga niya. I guess dadaan pa ako dun. Why can't she go on her own?" Tila bugnot na tanong nito sa kanya. "Alam mo, matanda na si Mama at gusto niya na sasamahan mo siya para may bonding kayo. Masyado kang reklamador. Kaunting oras lang naman yun. Siguraduhin mo lang na kay Mama ang punta mo." Natawa ito bigla sa sinabi niya, "We'll keep on talking over the phone, baby." "Tingin mo makaka-dinner si Mama sa bahay?" "I don't think so, baby. Baka dinner nga ang ipupunta niya roon. And since Vandros is damn busy, obligado ako na sumama kay Mama. Hindi ako kakain dun. Sa bahay ako kakain," ngumiti ito sa kanya at tumango siya kahit parang iba ang kahulugan ng salita nito sa kanya. "Mommy, tell Daddy to tat up. I'm sleepy," ani Lush sa kanya. "Narinig mo, anak natin?" "Yeah, right," sagot naman ni Lux, "I'll shut up now. Just keep the vc on. I'll just work here." "Sige," aniya rito habang natatawa pero nakatitig ito sa kanya. Heart's brows creased and he just winked at her. Naiiling siyang sinulyapan ang anak nila. She isn't using any contraceptive when Lux and she makes love. Hindi niya alam kung bakit hindi na sila nagkakaroon ng anak. Kahit na nag-aaral siya ay wala naman sa kanyang problema na magbuntis. Itutuloy at itutuloy pa rin niya ang kanyang pangarap pagkatapos niyang makapanganak, pero wala pang pangalawang biyaya ang Diyos. Baka hinihintay pa rin ng langit na sila ay makapagpakasal na muna. And how long will it still take before that thing happens? Tatlong taon na rin halos at matagal-tagal na rin. Ang unang sabi ng abogado ay dalawang taon, pero hindi rin naman nangyari. Kahit na ang daming grounds na para ibaba ng korte ang desisyon dahil nakakulong naman si Diana, hindi pa rin ganun kadali ang lahat. Napabuntong hininga siya habang hinahaplos ang ulo ng anak, at wala naman itong sawa sa paglapirot sa u***g niya, kabilaan. She glanced at the screen of her phone and Lux was looking at her. "Sad," he said and she shook her head right away. Ayaw niyang makita nito na madalas ay naiinip siya sa paghihintay ng resulta. "Hindi, napagod lang siguro ako," aniya rito at tumango naman ito saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Lux He sighed deep within. Whenever he sees Heart looking so sad, he becomes bothered. Hindi naman siya tanga para hindi niya malaman ang dahilan ng lungkot sa maganda nitong mukha. It's all about his damn annulment that's taking so long to finally get the result. Kahit na alam niyang papayagan iyon ng korte, napakatagal naman. Iyon na lang ang hindi pa niya naibibigay kay Heart, kasal. Buo na ang kanilang pamilya pero may kulang pa sa kanilang pagsasama. Hindi pa rin ito sumasama sa mga social gatherings, hindi humahantad sa tao, nahihiya sa mga amiga ng lola niya at marami pang iba. She still feels so shy about everything. Pakiramdam ng asawa niya ay kabit pa rin niya iyon, at nasasaktan siya na sobra sa tuwing ganun ang nararamdaman ng babaeng pinakamamahal niya sa lahat. He has regret, and at the same time no regrets, too. Sadyang mapaglaro lang ang tadhana talaga, na nang makilala na niya ang babaeng pinaka-deserving sa lahat ay saka naman hindi niya mapakasalan. Sa iba malamang ay hindi iyon issue pero sa tulad ni Heart na kinuha niya sa paraan na hindi dapat, kasal lang ang maibibigay niyang assurance para sa lahat. He wanted to make her his very legal wife. Alam niya na nagpapanggap lang itong hindi malungkot kung minsan, lalo na kapag may nakababanggit sa mga kaibigan niya ng salitang annulment. Kaya pinagsabihan niya sina Alejo na sabihan ang mga asa-asawa na huwag magtatanong ng tungkol dun dahil sensitive si Heart pagdating sa topic na iyon. A message on his laptop popped up. It was Vandros. Van: Bro, si Kapuso ba ang haharap sa client? He typed a message. Lux: Yes, bro. I want to train her. Hindi siya masyadong mahilig makipag-socialize kaya gusto kong ma-explore niya ang kakayahan niya. Van: Oks. Just asking, bro. I'll just guide her and keep an eye on her. Lux: Thanks, bro. Baka gusto mo rin i-guide si Mama sa mga amiga niya. Van: Holy s**t, bahala ka! Baka mamaya ay kung saan ako hilahin ng mga yun. Natatawa siyang napasulyap sa smartphone niya. "Tawa pa," napapairap na sabi ni Heart sa kanya kaya lalo siyang natawa sa pambibintang nito sa kanya. "It was Vandros, baby. Buksan mo na lang ang soc med ko." "Ha-ha! Porke alam mong di ko kayang buksan kasi nagi-guilty ako," anito sabay irap na talaga kaya ang lakas ng tawa niya. Ibinigay na talaga niya rito ang account niya. Mensahero lang naman ang mayroon siya dahil yun lang ang ginagamit niya na pang-kontak dito at sa mga kaibigan niya. He wasn't even fond of chatting, pero nang maging sila ni Heart ay natuto siya na mag-text at mag-chat. "Natatawa lang ako kay Van, baby. Ayaw niyang sumama kay Mama. Sabi ko siya na lang. Aalukin ko sana ng regalo pero biglang nag-off status." She giggled, "Ang sasama niyo kay Mama Carmen. Kung wala akong anak, ako ang sasama dun." "Mas lalong di ako papayag. Baka hindi ka na iuwi ni Mama!" Tawa niya rito kaya napailing na lang din si Heart at kinagat ang labi. Now she's smiling again and he loves the sight of it. "I love you, baby," aniya rito at sa likod ng mga salitang iyon ay kaakibat ang kaisipan na sana ay hindi ito magsawa sa paghihintay na siya ay maging malaya. "I love you, too, baby," anaman nito sa kanya saka ngumiti sa kanya. Kampante siya tuwing ganun na nakikita niya itong panatag ang kalooban sa lahat ng bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD