C4
NAKAILANG minuto ng wala si Heart sa paningin ni Lux ay hindi pa rin niya magawang i-abante ang sasakyan.
He looked like a fool who was staring at the restaurant's door with an invisible Heart in his imagination.
"Daddy," Lush said behind him and so he looked in the mirror, "Mommy's inside."
"Yeah," natatawa siya sa sa sarili na kailangan pa siyang paalalahanan ng anak niya at gisingin mula sa kanyang katangahan.
Hindi niya rin alam kung bakit siya in love na in love kay Heart. Ganun din naman siya kay Diana noon pero kailanman ay hindi niya ginawa kay Heart ang mga bagay na ginagawa niya kay Diana noon, tulad ng pakikipagmatigasan kapag nag-aaway sila.
Well then, Heart had always been so good to him from the start. Anong lakas naman ng loob niya kung babastusin niya ang isang babaeng mula umpisa ay pagpapahalaga at pagmamahal ang ibinigay sa kanya.
And those three years of being in a relationship had been so easy and smooth.
"Move the car, Daddy," utos sa kanya ni Lush kaya naman sumunod siya, "Daddy, is it true that I will have ten baby sisters? Sabi Owo."
Lux chuckled and nodded, "Kaya yun ni Dadd," aniya naman pero halos mapangiwi siya dahil hindi na siya nakakabuo.
Baka baog na siya at naubos na ang sperms niya.
"Tagal, Daddy," anito kaya lalo siyang natawa.
"She will also come, son. Ayaw mo ba nun na ikaw lang ang baby?"
"Nope, dusto ko baby sister. I'll put her to sleep. I'll milk her but I don't have a bobbie like, Mommy."
Sinilip ni Lush ang sariling dibdib sa loob ng polo shirt na suot kaya napalakas ang tawa niya.
"We both don't have any bobbies, son. Mommy only has."
Tumango ito na tila dismayado sa pagkawala ng mga malulusog na dibdib. Natatawa siya sa mga reaksyon ng anak niya dahil kamukhang-kamukha niya ito lalo kapag seryoso ang aura.
"Why didn't Mommy come with us, Di?"
"Well, Mommy has a client to meet."
"Tayent?"
"Yes, client. They will talk about business."
"I miss Mommy," malungkot na sabi nito sa kanya.
"You'll see Mommy later. Ayaw mo bang makita si Megumi? She's with Tita Katy."
"Dusto ko pero pupunta din ako kay Mommy?"
"Of course, son. Mommy will spend the rest of the day with us after talking to that client."
Ngumiti na ito kaya napangiti rin siya habang nakatingin sa salamin. Hindi lang naman ito ang nakakamiss kay Heart. Baka kung pwede nga lang na idikit niya iyon sa kanilang mag-ama ay ginawa na niya.
Heart
NAKANGITING humarap si Heart kay Attorney Fred Aguilar nang dumating ang matanda sa restaurant. Ito ang kanyang nahagilap nang tumawag si Vandros na hindi raw makakarating dahil may emergency ang lolo na isandaang taon na mahigit.
Ang sabi nun ay baka makarating naman at makaabot pa sa meeting niya. May tumawag raw kasi sa matanda at tinakot na namatay na ang asawa nun, na totoo namang patay na raw matagal na panahon na. At dahil yun ay medyo may pagka-ulyanin na dahil sa edad, pumalahaw daw ng iyak at magpapakamatay na rin.
It caused trouble to the very old man.
Si Lux ang tinatawagan niya kaya lang ay hindi naman sumasagot, baka busy iyon sa anak nila kaya ang abogado na lang ng Macho ang kanyang naisip.
And the not so very old man is here, smiling at her, ear to ear.
"Salamat, may trabaho ako ngayon. Hindi nasasayang ang bayad sa akin ni Deluxe," anito kaya napahagikhik siya.
"Upo po muna kayo, attorney. Di po kasi sumasagot si Lux kaya kayo ang tinatawagan ko."
"No worries, Heart." Sagot ni Fred saka naglakad papunta sa isang mesa na bakante.
A lady came in that caught Heart's attention because the woman is arrayed and saucy.
Ngumiti iyon sa kanya kaya ngumiti rin siya. Sa sulok ng utak niya ay parang may nagpaalala sa kanya na kilala niya ang babae pero hindi niya matiyak. This woman even looks so very familiar.
"Hello," magaan na bati nito sa kanya saka nagtanggal ng suot na sunglass.
"Hi, ma'am," magalang naman na bati niya.
Halos matulala siya sa babae. Napakaraming magandang babae na siyang nakita pero ang isang ito ay kakaiba. May kakaiba itong karisma na hindi niya mawari kung saan galing.
"I'm waiting for my boyfriend."
"You can choose any vacant table you like."
"You have such a very nice place, so elegant. Hindi pa rin ito nagbabago."
Napakunot noo siya rito, "Hindi nagbago?"
"I worked here, waitress ako noon dito pero tinamaan ako ng swerte kaya umalis ako. That was so long ago, perhaps six years or more. I don't remember anymore."
"I see," tango niya rito, "Maupo na po kayo," alok niya sa babae na tinitingnan pa siya habang nakangiti.
Maya-maya ay pumasok naman ang isang lalaki na may kasamang isang lalaki na sing edad din nun.
"Babe!" The man said and the woman in front of her looked right away.
"Oh, here he is. Excuse me," anito sa kanya kaya tumango siya.
Sinalubong nun ang lalaki na nakatingin naman sa kanya nakangiti. Hindi siya makangiti dahil lalaki yun. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan si Lux para magalit sa kanya kahit na hindi naman nun alam na nakikipag-ngitian siya.
There's nothing wrong with smiling but if it's a man, no.
Sa pagtataka niya ay lumapit iyon sa kanya habang ang babae ay nakayakap sa braso nun.
"Good morning!" The man greeted her with a friendly grin.
"Good morning, sir," she greeted back.
"I'm looking for Miss Heart Chavez."
Napatda ang dalaga ilang saglit at medyo napaawang ang mga labi. Ito na ba ang ka-meeting niya?
"I'm going to meet her today. I am Charles Hudson, a client."
"I am Heart Chavez," she said with a smile.
"Oh," anang lalaki.
"You may have your table. I'll follow, sir."
"Okay. Take your time, Ma'am."
"Aiza," tawag niya sa kaibigan na walang tulak na food cart.
Agad iyon na lumapit sa kanya at nagtanggal ng apron.
"Dito ka muna. Nandiyan na yung ka-meeting ko," nagmamadaling sabi niya, kinakabahan na naman.
"Sige. Good luck," Mabilis naman na sagot ng kanyang kaibigan saka humalili sa pwesto niya. Inayos pa nito ang buhok niya sa likod saka siya naglakad patungo sa mesa ng mga ka-meeting niya.
Tinanguan niya si Fred, na kaagad maman na lumapit.
"This way to the private meeting table, please," aniya sa mga bisita saka siya nagpatiuna na maglakad.
Siya ang boss, sabi ni Lux. Wala siyang dapat na ikailang o ikakaba.
Nakasunod sa kanya ang mga iyon habang kasabay niya ang kanyang abogado.
Sa pagtataka niya ay may nagbukas ng pinto para sa kanila, na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
Si Revor, ang naiiwan na bodyguard sa kanya tuwing wala si Lux.
"Order ni Sir, ma'am."
Naiiling siyang napangiti. Syempre, pababantayan talaga siya ni Lux kahit sa isang meeting.
"Pasok kayo," aniya sa mga bisita.
"This place is so comfortable," sambit ni Charles habang ang babae ay patingin-tingin naman sa paligid.
Kasusunod nila ang dalawang waitresses na may push carts.
Naupo na rin siya sa harap nina Charles.
"I am the lawyer who called the manager's office the other day. I am Atty. Max Reyes. He is my client," umpisa ng abogado ni Charles.
"Hindi ko na pahahabain pa ang lahat, Miss Chavez. Gusto kong mag-franchise ng Macho. Kumpleto ang mga dokumento ko. Matagal na akong nag-inquire sa manager pero natagalan ako sa pag-aasikaso ng mga papel. But now, they're complete. Your lawyer can check it for verification. Dito ko sana ipapangalan sa girlfriend ko ang prangkisa. We're about to get married, too."
Tumango siya nang magngitian ang dalawa.
"Attorney, pakilabas mo na ang mga papel," ani Charles, "Memorable raw itong Macho sa fiancee ko kaya sinusulan ako na mag-franchise."
Napahagikhik ang babae.
Ang swerte nito na ganung halaga ang bibitiwan ng lalaki dahil lang sa isang sulsol. Hindi naman kasi nasusukat sa halaga ang pagmamahal ng isang tao. Parte na ang paggastos ng pagpapakita ng suporta at pagmamahal.
"Nabanggit nga niya na dati siya ritong nagta-trabaho," anaman niya.
"Yes, she did. Waitress din siya. How about you? Righthand ka ba ng may-ari? Lalaki ang kausap ko sa telepono e, Vandros? O baka asawa ka ng may-ari."
"Love, hindi siya pwedeng maging asawa. Chavez siya, remember?" Malambing na sabi ng babae sa lalaki, "Saka nakita ko na ang asawa nh may-ari, hindi siya yun."
Napalunok siya.
"Ganun ba? Wala kasi akong alam dito." Sagot naman ni Charles.
Hindi alam ni Heart ang sasabihin niya at pakiramdam niya ay naumid na siya. The topic was too sensitive for her. Hindi nga siya ang asawa ni Lux dahil kabit pa rin siya kahit na anong gawin.
Pinilit niyang ayusin ang sarili lalo na nang mapansin niyang nakatingin sa kanya si Charles.
"You must be a right hand," aniyon sa kanya na tinanguan na lang niya.
Kung iyon na ang tawag sa kanya, e di iyon na lang.
"Alam mo kasi, itong si Jones na ang tinuturuan ko na mag-manage ng lahat dahil napaka-busy kong tao. Madalas akong out of town. I really do franchising. Halos lahat ng negosyo ko franchise lang, at wala akong pinagsisisihan. Have you two met?" Baling ni Charles sa girlfriend.
"Not yet, love."
"Pakilala ka na kay Miss Chavez."
"Silvana…Silvana Jones dela Fuente."
Inilahad ng babae ang palad sa kanya na malugod naman niyang tinanggap. Hindi niya talaga alam kung saan niya ito nakita pero sabi naman nito ay hindi pa sila nagkakakilala kaya baka nagkakamali lang siya.
And she must never care about it. And mahalaga ay ang sadya ng mga ito para matapos na dahil nabwisit na siya.
Nasaan na ba kasi ang decree ng annulment para naman hindi siya nagmumukhang engot.