“KUMUSTA ka na riyan Chiara?” tanong ni Ariana sa kabilang linya.
“Okay naman, mukhang hindi naman ako paaalisin ni Venom, thanks to Nanami dahil sa ipinadala niyang text noon sa akin kaya hindi ako mapapaalis ni Venom, I swear!” umupo siya sa gilid ng kanyang kama.
“Chiara, hindi mo ba naisip na isuko na lang ang damdamin mo kay Venom at bumalik ka na lang dito tutal nakita mo na rin naman si Amalie?” napapabuntong hiningang sabi ni Ariana pagkaraan ng ilang saglit.
“Akala ko ba lampas na tayo sa topic na iyan Ariana? Walang magpababago sa isip ko.”
“Paano kung saktan ka naman niya, ha?”
“Hindi niya gagawin iyon.”
“At bakit parang sigurado ka?”
“Dahil may alam akong paraan para mapasok kong muli ang puso ni Venom.” Ngumisi siya pagkasabi niya niyon.
“Anong paraan na naman iyan?”
“Ang inaanak mo!”
“What? gagamitin mo ang pamangkin mo para lamang makuha mo ang loob ni Venom? ako ang kinakabahan sa mga gagawin mo Chiara, alam mo ba iyon?”
“Don't worry alam ko ang ginagawa ko.”
“At paano mo gagawin iyon? Paano mo magagamit si Amalie para mapamahal sayo si Venom?”
“Hindi mo na kailangang alalahanin pa iyan. Wala naman akong gagawin kay Amalie, gagamitin ko lang naman siya para lumambot ang puso sa akin ni Venom. Basta sasabihin ko sayo ang mga plano ko kapag may improvement na sa mga balak ko.”
Masayang saad ni Chiara.
“Kapag may ginawa ka na hindi ko magugustuhan, susunduin na talaga kita diyan. Ah!”
“Oo na, 'wag ka namang nega okay!”
“Okay, but anyway kumusta na si Amalie?” tanong ni Ariana sa pamangkin ng kanyang kaibigan.
“She is so smart like Nanami, I'm not gonna lie of it. Binabara ako kapag napapatanong ako ng mga walang kabuluhan na tanong sa kanya. Ang sarap tirisin, mabuti na lang at magalang kahit paano.” Pagkukwento naman ni Chiara tungkol sa pamangkin niya.
Lahat ng pinag-usapan nila ng pamangkin niya ay ikweninto niya kay Ariana. Tawang tawa naman si Ariana sa kwento ng kaibigan.
“SALAMAT, Panginoon, sa pag-gising mo sa akin ngayong umaga upang makita ang panibagong araw. Salamat sa pagliligtas ng aking kaluluwa. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng lakas, upang harapin ang bawat pagsubok na ibinibigay mo sa akin. Panginoon, inilalagay ko sa iyong mga kamay aking buhay. Protektahan mo ako at pamunuan mo ako. Bigyan mo ako ng maraming pasensya para harapin ang sinumang nagbabalak sirain ang araw ko. Alam kong matigas ang ulo ko pero kay Venom lang. . .
Isang katok ang pumutol sa kanyang mga panalangin.
“Ama, patawarin mo ang taong nakagambala sa aking mga panalangin, dahil hindi niya alam na nanalangin ako ngayon. At patawarin mo rin ako sa aking mga kasalanan. Amen.” Tumayo na siya at binuksan ang pinto.
“Magandang umaga, ate Nanami.” Napasimangot si Nanami dahil si Amalie lang pala ang kumakatok.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Nandito po ako para tawagin ka, nakahanda na po ang almusal.” Tinitigan ni Nanami ang orasan nakita niya six o clock palang ng umaga. Maaga yatang nagising ang kanyang alaga.
“Hindi ba masyadong maaga, wala ka naman pasok ngayon?”
“Sinabi kasi tita Chiara na maghanda na almusal sa oras na ito at maaga raw papasok si Dad sa work para makakain daw si dad sabi ni Tita Chiara.”
“Iyong babaeng clown este iyong tita mo?”
Tumango naman si Amalie.
“Opo siya nga po.”
“Ang daddy mo sasabay ba siya kumain?”
“Hindi raw po tulog pa po siya hanggang ngayon.”
“Pero gigisingin daw ni tita Chiara para makapag-almusal daw si daddy, pero alam ko naman na magagalit lang si dad sa kanya.”
Pagkasabi ni Amalie ay naningkit ang mata ni Nanami.
“At talagang pumapapel pa ang babaeng iyon, dapat si Amalie ang makapagkumbinsi sa daddy niya na sumabay na lagi sa kainan ang daddy nito, hindi ang babaeng iyon.” Sa isip ni Nanami.
“Okay, baby girl, may misyon si yaya para sa iyo.” Napakunot naman ang noo ng bata.
“Ano pong misyon?”
“'Di ba gusto mong tumagal ako rito, tama?” Tuwang-tuwa namang tumango si Amalie.
“Opo, syempre naman po!”
Ngumiti naman si Nanami at yumuko upang pumantay ang kanilang mga mukha.
“Narito ang iyong misyon. Pilitin mong sumabay sa atin ang daddy mo mag-almusal.”
“Gagawin mo ba ang sinabi ko?”
“Pero, baka po hindi makinig si Daddy sa akin.” Pag-aalinlangan ni Amalie.
“Subukan mo lang para malaman natin.” Sabi naman ni Nanami.
“Kasi kilala ko ang daddy ko. Bihira po siyang kumain, ewan ko ba kasi roon, masyadong busy sa work.”
Humakbang si Nanami, palapit sa bata.
“Pero gusto mo ba na laging sumabay sayo ang daddy mo na kumain?”
“Syempre po, gustong gusto ko po.”
“Paano mangyayari iyon kung hindi mo susubukan na kumbinsihin ang daddy mo, sige ka baka imbis na ikaw ang makapag kumbinsi sa daddy mo, baka si tita Chiara mo ang makagawa noon. Hindi ba mas masaya kong ikaw?”
“Pero po ayoko po kasi na magalit si Daddy sa akin kapag nakulitan siya sa akin.” Malungkot na sabi naman nito.
“Kung mahal mo talaga ang daddy mo ay gagawin mo ang sinabi ko at yayain mo siyang bumaba para mag-almusal. Huwag kang humingi ng pahintulot sa kanya, pilitin mo siya. Sinanay mo kasi ang daddy mo na hindi siya sumasabay sayo, pero kung pinapakita mo na hindi ka masaya sa hindi niya pagsabay sayo lagi sa hapagkainan ay mapipilitan iyon na lagi kang samahan. Kasi 'di ba kapag mahal ka talaga niya ay gagawin niya ang gusto mo.” Sabi ni Nanami.
Napaisip naman ng malalim si Amalie at kapag kuwa'y tumango ito, “Okay po ate Nanami, susubukan ko po na pilitin na siyang sumabay sa atin lagi sa pagkain.”
Tumalikod na si Amalie at tumakbo patungo sa direksyon ng kwarto ng kanyang ama.
Muntik na nga sanang magkabanggaan ang mag-tita, pero mabuti na lamang ay nakaiwas ang babaeng clown na iyon sa kanyang alaga.
Saglit na tinitigan ni Chiara ang pamangkin niya bago nilapitan si Nanami na nakadungaw sa pintuan at napapangiti sa alaga.
“So, buhay ka pala?” taas kilay na saad nito kay Nanami.
“Bakit anong akala mo, tutuluyan na ako ni boss? Sorry to disappoint you, heto ako buhay na buhay at maganda habang huminga.” Sabi naman ni Nanami.
“What ever, saan ba pupunta ang alaga mo?” tanong nito.
“At bakit ko naman erereport sa yo?”
“It is my damn business, dahil pamangkin ko siya.”
“Alam ko, pero alaga ko siya kaya may karapatan naman siguro akong manahimik.”
Pagtataray din ni Nanami.
“Alam mo, ang lakas ng loob mong ganyanin ako dahil kakampi mo ang pamangkin ko, at hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para hindi ako respetuhin, eh, isa ka lang naman katulong.”
“So what, 'wag kang magmaliit ng katulong kasi kung walang katulong kawawa naman ang mga katulad mong tamad sa gawaing bahay. Wala kang mauutusan na katulong kung hindi kami mga importante at katulong lang, mas may pakinabang pa nga kami. Kaysa sa inyo na kailangan pang kumuha ng katulong kasi tamad nga, baka ultimo maglaba ng panty 'di mo pa magawa.” Nakataas kilay na sabi ni Nanami.
Nanlilisik naman ang mata ni Chiara habang humahakbang papalapit kay Nanami dahil sa pananalita nito.
“Tatapatin na kita, hindi kita gusto para maging yaya ng pamangkin ko masyadong matalas iyang dila mo.”
“Same to you, miss clown lady I mean miss Chiara, kaya kung ayaw mo sa akin, umiwas ka na lang okay!”
“Mukhang may nakakalimutan ka yata, yaya ka lang ng pamangkin ko. Kaya huwag mong isipin na may kontrol ka rito, dahil lang sa gusto ka ng pamangkin ko. Ako pa rin ang may karapatan na alagaan ang pamangkin ko, kaya pwedeng pwede kitang paalisin sa bahay na ito kung gugustuhin ko.”
Mataray na sabi nito at halos matanggal na ang kilay nito kakataas ng kilay nito.
“Wala kang karapatan na tanggalin ako, dahil unang una si boss ang kumuha sa akin, pangalawa hindi makakapayag si Amalie na paalisin mo ako at pangatlo hindi ka uubra sa akin, dahil kaya kung pantayan iyang katarayan mo.” Malamig na sabi ni Nanami.
“Kaya sinasabi ko sa iyo na lumayo sa akin, maliban kung nais mong magbilang ng mga araw mo na lang sa bahay na ito. Maaaring yaya lang ako, pero wala ka rin namang pinagkaiba sa akin. Mas mukha nga akong tita ni Amalie at ikaw ang nagmumukang yaya dahil sa kapal ng make up mo.” Pang-aasar ni Nanami dito.
Lumapit din siya rito at gaya ng ginawa nito at bumulong siya sa tainga ni Chiara. “Dapat alagaan mo muna ang sarili mo, bago mo isipin ang pag-aalaga sa pamangkin mo. Ang kulang sa pagmamahal ay hindi makakapagbigay ng pagmamahal sa taong pakikitaan mo nito, Miss Chiara, dahil sa ugali mo pa lang halatang walang nagmamahal sayo.” Kumindat pa si Nanami at saka naglakad palayo rito matapos niyang ilock ang pinto ng kanyang kwarto.
Nag-aapoy naman sa galit si Chiara habang nakatitig sa naglalakad na pigura ni Nanami papalayo.
“I hate her. I hate her so much. Sino siya sa tingin niya? wala pang nangangahas na ganyanin siya ng isang hampas lupa lang na gaya neto.” Ikinuyom niya ang kanyang kamao at nangalit ang mga ngipin dahil sa mga sinabi nito sa kanya.
“Sisiguraduhin kong matatanggal ka at mapapaalis ka sa bahay na ito, I'll mark my word.” Bulong niya sa sarili habang nagpapadyak sa inis sa babaeng iyon.
“GOOD morning Dad!” Gising ni Amalie sa kanyang ama sabay talon nito mismo sa kama ng daddy niya kaya naalimpungatan si Venom.
“Good morning din my princess. Kumusta ang gabi mo, nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ni Venom habang sinusuot ang kanyang roba.
“Mabuti naman po.”
“Nag-almusal ka na ba?”
“Hindi pa po.”
“Bakit hindi pa?”
“Hinihintay kasi kita, pero hindi ka pa bumababa. Talagang pumunta ako rito para imbitahan ka sanang sumabay sa almusal.”
“My Princess, hindi pa nagugutom si daddy at alam mo namang hindi ako kumakain ng agahan.” Sinabi nito.
“But daddy, hindi ka rin sumabay sa akin mag-dinner kagabi. Paano mo masasabing hindi ka nagugutom?”
“Dahil hindi talaga ako nagugutom.” Nagkibit-balikat si Venom.
Tumayo naman sa kama si Amalie at sumimangot. “Mahal mo ba talaga ako dad?”
Napakamot naman ng ulo si Venom sa tanong ng kanyang anak. “Siyempre, mahal na mahal kita. Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? Nagdududa ka ba sa pagmamahal ko sayo?”
“Oh mahal mo naman po pala ako. Bakit ayaw mo akong sabayan lagi sa pagkain. Parang umiiwas ka lagi na kumain na kasama ako, hindi mo po siguro ako talagang mahal, daddy I hate you!”
“Ano? Saan mo ba kinukuha ang mga ganyang tanong anak? Naging sobrang busy lang talaga ako kaya hindi ako nakakasabay lagi sa pagkain mo, 'yon lang.”
“Sobrang busy! Eh, nagtatrabaho ka na nga sa work mo, nagtatrabaho ka na rin kahit saan ka pumunta, pati ba naman dito sa bahay trabaho pa rin ang inaasikaso mo dad, paano naman po ako?" naiiyak na sabi ni Amalie.
Napatulala si Venom at hindi makaimik sa mga sinabi ng kanyang anak.
“Opo, sobrang busy ka at naiintindihan ko po iyon pero hindi po ba pwedeng kahit ilang minuto lang ay itigil mo muna ang pagiging busy mo dad at sabayan mo naman
ako kumain kahit saglit lang, hindi mo po ba iyon magagawa sa akin, dad?”
umiiyak ng sabi ng kanyang anak.
“My princess I though naiintindihan mo ako?”
“Yes daddy, pero wala na po ba akong karapatang mag sabi sayo ng tunay kong nararamdaman? Alam mo po bang sinasaktan mo ako? Pero pinipilit ko lang pong 'wag na ipakita sa inyo. Pero I realize na dapat ko na pong sabihin ito sa inyo ang nararamdaman ko. Gustong gusto po kitang laging nakakasabay sa pagkain tuwing kakain ako.”
Hindi naman akalain ni Venom na sa murang edad ng kanyang anak ay masasabi nito sa kanya ang lahat nang iyon. Akala niya ay maintindihan siya nito at tanggap na nito na bihira lang sila na magkasalo sa hapag dahil sa pagiging sobrang busy niya, hindi niya naisip na nagkakaisip na rin si Amalie at naiintindihan na nito ang mga bagay-bagay na dapat ay pinapaintidi na niya rito.
Ganoon na ba talaga kasobra ang pagkasubsob niya sa trabaho kaya hindi niya iyon napapansin?
Napabuntong hininga si Venom at lumuhod siya sa harapan ng kanyang anak at hinawakan ang mumunting mga kamay nito.
“Sana maunawaan mo ang lahat ng ito anak, na ginagawa ko ito para sa kapakanan mo. Kaya sana pagpasensyahan mo na lang si Daddy, hayaan mo bukas na bukas ay may pagbabago na. From now on, maglalaan na si Daddy ng oras para makasalo kita lagi sa pagkain. Gagawa ako ng paraan kaya 'wag ka ng malungkot at magalit sa akin, mahal na mahal kita at alam mo iyan, kaya gagawin ko ang anumang ikakasaya mo, my princess. Kaya I'm so sorry babawi ako, promise!”
“Talaga po, aasahan ko po iyan daddy, ayan narecord ko na sa cellphone ko, kaya wala ng bawian.” Saad ni Amalie at biglang lumiwanag ang mukha sa tuwa sabay pakita sa cellphone na kinuha nito sa suot nitong pantulog.
Kinagat naman ni Venom ang ibabang labi at saka napapailing sa anak, mukhang naisahan yata siya ng anak niya hindi siya makapaniwala na manang mana ito sa kanyang yumaong asawa.
“So dad, halika na samahan mo na kaming mag-almusal. Please! Hindi ka na pwedeng tumangi, may evidence na ako kaya kapag hindi mo tinupad pangako mo, I swear maglalayas po ako at isasama ko si Ate Nanami at hindi mo na ako muling makikita pa.” Nakangiting saad na nito.
Matalino si Amalie at alam iyon ni Venom pero ang hindi niya mapaniwalaan na namana nito ang pagiging tuso niya sa lahat ng bagay.
“Ano pa nga bang magagawa ko, your blackmailing me, my little princess.”