Adam's Obsession 02

2419 Words
Isa lang ito at hindi ko kaagad maitutuloy kaya huwag muna umasa ng update. Pinublish ko lang ito dahil baka mabura ko sa drafts. If you notice some typos or grammatical error, pa-ignore na lang. Aayusin ko ito at ang Chapter 01 kapag oras na nitong AO para isulat ko. Salamat. -----Miss IYA----- Tyler's stupid solution stayed in my mind until I got home. Is that the best answer he could think to resolve the problem he created? Getting me pregnant with the paid gigolo? Really?! What does he think of me? A sugar mommy who's willing to be f**k by his hired male escort? No way! I might even get a disease from that dirty man! Who knows right? He may f**k a lot of women and gay to support him! What the hell, Tyler is gay! Damn it! I'm not even sure if my own husband is clean! Nag-ring ang phone ko. Nang makita ang pangalan ni Tyler ay mabilis kong sinagot iyon. "Is he one of your f*****g boy toy?!" At ano? Papagalaw niya ako sa lalaki niya?! "Of course not! I only have one man-" "You fucker! Nakakadiri ka!" "Be glad I didn't kiss you and didn't touch you. Mas malala ang magiging reaksiyon mo kung may nangyayari sa atin at nalaman mo na bakla ako." Sarkastiko akong tumawa. "Do I have to thank you for that?" "No... I didn't call you to thank me... I just want you to listen... Alam ko ang mga iniisip mo pero pakinggan mo muna ako at pagkatapos ay pag-isipan mo..." Paano ko pag-iisipan kung gusto niya na mabuntis ako ng hindi ko kakilala na lalaki? Wala na ba siyang maisip na ibang solusyon? Yet, though I was irritated, I listened. "Go on... Talk..." Asshole! He sighed. "I get him checked. He's clean..." "He's clean or not, he's still a gigolo! Marami na siyang nagalaw pagkatapos gusto mo pati ako?" "I told you to listen first..." I sighed impatiently then rolled my eyes. "Fine!" "Bago lang siya sa trabaho at wala pang nagiging costumer-" "He's a virgin?" "No. He has f****d many women before but he has never f****d a costumer from work." Itinuro ko kay Pres ang center table para doon niya ilapag ang mga juice at pagkain na ginawa niya. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin sa upuan para pakinggan ang pinag-uusapan namin ni Tyler. "How did you know? Are you with him while he f***s?" Umikot ang mata ko. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umirap sa araw na ito. "I know because he's one of my man's group of friends-" I rolled my eyes again! "Your other man is gay and so his friends too! Paano ka nakakasiguro na lalaki iyan? Ipapabuntis mo na lang ako sa kagaya mo pang bakla?!" Kung sa bakla lang rin, eh 'di sa kanya na lang! He groaned then sighed irritatedly because I didn't let him finish. Palagi akong sumisingit o 'di kaya'y inuunahan siya. "His friends aren't gay, Venus. I promise. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ka kahit na galit ka sa akin dahil sa paglilihim ko." "Hindi mo ako hahayaan na mapahamak?! Eh ginawa mo na nga! Ipinagkalat mo na buntis ako kahit hindi naman!" "Pasensya na talaga. Kasama ko si Papa nang araw na iyon. Tanong ng tanong tungkol sa ating dalawa at pinagalitan pa ako dahil hindi pa tayo nagkaka-anak. Bigla ko na lang nasabi na buntis ka at hindi ko na nabawi dahil agad siyang nagpatawag ng media," bigo siyang nagbuntong hininga at humingi ulit ng pasensya. "Oo na! Wala na tayong magagawa!" "You want to have a child too, don't you? This is your chance-" "Oo! Gusto ko ng anak pero sa asawa ko!" "He can carry my name tho." Hindi ako nagsalita. Totoo naman. Isa iyon sa dahilan kaya pumayag akong magpakasal. Gusto kong maramdaman kung paano magkaroon ng anak. Mga anak na aalagaan at bibihisan ko. Gusto kong ituro sa kanila ang mga itinuro ni Mommy sa akin mula pagkabata hanggang sa lumaki ako. Nag iisa akong anak na babae. Mayroon man akong apat na kapatid, puro lalaki naman. Bawal akong makisalamuha sa ibang bata dahil mas mababa sila. Walang magustuhan si Mommy na mas mayaman sa amin kaya't wala akong naging totoong kaibigan maliban kay Prescilla na hinire niya bilang taga-ayos ko. Gusto ko ng makakasama. Gusto ko ng makakausap sa tuwing nagagalit sa akin si Mommy sa pagsaway ko sa kanya. If I have a child, I will give them a personal shopper. They must have more than ten butlers. Teach them how to play tennis. I will buy them expensive things. They should be a center of attention wherever they go. They cannot make friends with the poor people because they are all beggars. That's what my mother taugh me. "I'm really sorry, Aviya-" "Venus!" I don't want anyone to call me Aviya except my father. "I'm sincerely sorry, Venus..." Nagbuntong hininga ako. Mabait naman kasi talaga siya. Maalaga at maalalahanin. Kaya siguro kahit naglihim siya hindi ko ipinagkalat na bakla siya dahil maayos naman niya akong pinakitunguhan. Bukod pa sa ayokong mapahiya. Ayoko rin naman na masira siya sa pamilya niya. Hindi alam sa kanila na bakla siya kaya napilitan siyang magpakasal. Walang nakakaalam sa totoong kasarian niya bukod sa amin nina Prescilla at ng boyfriend niya. "How old is he? Do you have his picture?" "You mean... You are already considering it?" Inirapan ko si Pres nang magkatinginan kami. I crossed my legs and folded my arms. "Hindi ko alam. Pag-iisipan ko pa. Ano? May picture ka ba? At ilang taon na?" "Papatawagan ko sa boyfriend ko 'tapos magpapasend ako ng picture para ibigay ko sayo-" "Ilang taon nga! At paano niyo napapayag?" "He is young and broke, Venus. Twenty years old. He had a personal reason and didn’t want to say why he needed the money." My jaw dropped. Tiningnan ko si Prescilla na nanlalaki rin ang mga mata. "Oh my god, Tyler! That young?!" "You are not old to say that. You are just twenty three..." Napalabi ako. Mas matanda pa rin ako. Baka naman mukhang totoy iyon at walang alam sa kama? Wala rin akong alam pero baka ako pa ang magturo sa kanya! I won't pay him just to be his tutor! But according to Tyler, he already has a lot of experience. Fine, I will trust him for now. Napalunok ako ng maalala ang mga sinabi ni Eira. Gusto niyang hulihin na hindi ako buntis! Napalunok ako at kinabahan kung sakali na may makaalam nito. Malaking eskandalo ito sa pamilya namin at wala akong mukhang ihaharap sa publiko. Hindi ako mapapatawad ni Mommy kapag nangyari iyon. I don't want to disappoint, Mom. Even though she's strict I love her. "Make sure he won't speak or else our family will be put in a big scandal!" "I know... I already warned him to zip his lips." Great. "Alright... Send me his picture..." Pinatong ko ang likod ng aking ulo sa sandalan ng sofa. Tumitig ako sa mataas naming kisame. Pinag-iisipan ko kung paano ang gagawin para mabuntis. Walang ibang mabilis na paraan kundi ang suhestiyon ni Tyler. If we use different methods mas matatagalan. Wala rin 'yung kasiguraduhan. Madaragdagan pa ang makakaalam. Kung ito isa lang, yung lalaki lang na babayaran namin. Nasa kwarto na ako at nakadamit pantulog na. Tumingin ako sa salamin at hinubad ang suot kong silk bathrobe. Iniwan ko ang manipis na night dress sa loob. Gumalaw galaw ako upang bisitahin ang korte ng aking katawan. Kaya pala kahit maganda ang hubog ng katawan ko hindi ako masipingan ni Tyler noon. Napatingin ako sa aking dresser na gawa sa ginto. Tumaas ang aking kilay at isang sulok ng labi ko. Para bang alam ni Tyler na iniisip ko siya kaya't lumitaw ngayon ang pangalan niya sa aking telepono at tinatawagan ako. Nakangisi ako sa aking repleksyon nang sagutin ko iyon. "What do you need?" I asked in my most sarcastic tone. "Hi," instead of Tyler, an unfamiliar deep baritone voice filled my ear. Napaikot ako patalikod sa salamin. Napatingin ako sa aking magarang kama. Bigla akong kinabahan sa boses ng kung sino man ang sumagot. "Who the hell are you?!" He is not Tyler! Mas malalim at buo ang boses nito kaysa sa kanya! "This is Adam." Napalunok ako at napahawak sa batok ko nang maramdaman ang pagtayuan ng mga balahibo ko roon. Itinaas ko ang isa sa mga braso ko at nakitang nakatayo rin doon ang mga balahibo ko. Napapikit ako dahil sa lalim ng boses niya. Pagdilat ko, humarap ulit ako sa salamin. "Well, Adam or whoever are you... Why the f**k are you calling me?! Where's my husband?!" Hindi sumagot ang nasa kabilang linya pero narinig ko na niyaya itong lumayo ng boyfriend ni Tyler. Mukhang ipinasa niya ang telepono dahil ang muling sumagot ay si Tyler na. "Who's that man? Bakit kung sinu sino ang humahawak sa cellphone mo?! We have to be more careful, Tyler! Paano kung mabuking tayo?!" "He's Adam-" "Siya ba?" Nakataas ang isang kilay na putol ko. Lumapit ako sa balcony at sumandal sa hamba ng pintong salamin. Tumitig ako sa madilim na labas. "Oo. Pinatawag ko para sana magkausap kayo. Kaya lang nagpapakilala pa lang tinatakot mo na." "Alam niya na asawa kita?" "Sino ba ang hindi nakakakilala sa atin? Madalas tayong nasa balita-" "He's poor! I'll bet my Hermes Birkin handbag, he's never read a magazine!" "They can watch us on tv-" "Wala silang tv?" "Whatever, Venus," tila napapagod makipag usap na sagot niya. "Paano kung kumalat ito? Hindi ba talaga iyan magsasalita? Ang mga mahihirap ay gutom sa pera. Paano kung gamitin niya ito para i-blackmail tayo?" Hindi niya naitago ang irita sa buntong hininga niya. Madalas niya akong pagsabihan tungkol sa ganito pero hindi ako nakikinig. Papaniwalaan ko kung ano ang alam ko. "You really need to change the way of your thinking, Venus. I assured you he won't do that and we will pay him generously. Check your phone I already sent you his pictures." Walang gana ang boses niya. Natamaan yata siya kasi hindi naman mayaman ang boyfriend niya. May kaya pero hindi sapat ang may kaya lang sa pamilya namin. Nang i-check ko ang notification ko. Mayroon nga siyang sinend doon. Ito na marahil ang pictures na sinasabi niya. Hindi ko binuksan iyon. I don't need his picture anymore. I'll just pray that he looks fine. I hate ugly people at ayokong magmana sa panget ang anak ko! "When will he come here? We don't have much time." Natahimik siya. Narinig ko ang bulungan nila sa kabilang linya bago ako binalikan. "Iyan nga ang dahilan kaya ko siya pinatawag sayo. Pwede ko bang patulugin na ngayong gabi diyan?" Natigilan ako. Kung pupunta ngayon, gagawin na ba namin iyon? Narinig kong natawa si Tyler dahil sa pananahimik ko. "I know what you're thinking. Kahit naman hindi niyo kaagad gawin. Diyan siya titira sa atin kaya pwede niyong gawin anytime kung kailan niyo mapagkasunduan." Casual niyang sinabi iyon na akala mo naman ay ginusto ko ito. Huminga ako ng malalim at pumikit. Hindi na ako nakipagtalo. "Matutulog na ako. Dalhin mo na lang dito at bigyan mo ng kwarto." "Salamat, Venus-" Binabaan ko na siya. Isang taon ko nang alam na bakla siya. Ang alam ng mga magulang namin ay maayos ang pagsasama namin. Kailangan kong mag-isip bukas ng trabaho na ibibigay sa lalaki na iyon habang dito siya nakatira. Hindi pwede na nakatira lang siya rito at walang ginagawa. Kung dadalaw ang mga magulang ko kailangan may maidahilan ako. Marami ritong katulong na babae pero walang tauhan na lalaki. Sinadya ko iyon dahil ayokong mabahiran ng kababuyan ni Tyler ang bahay. Tamang tama ang pagkakataon na iyon para idahilan na nag-hire kami ng lalaki kahit isa. Binuksan ko ang salamin na pinto para umapak sa balkonahe. Dumungaw ako sa railing at tiningnan ang mga halaman sa hardin. Pwede ko siyang gawing hardinero at driver namin ni Pres. O kaya naman idadahilan ko na all around taga-repair siya rito sa bahay? Tubero? Karpintero? Taga kalikot ng kung anu ano? Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin. Kailangan ko nang madaliin. Sa loob ng isang linggo ay kailangan may mangyari sa amin. Hindi rin ako kumportable na mayroon ibang tao rito at lalaki pa. Kung mabubuntis ako kaagad, pwede na siyang umalis. "Bakit ba ako pinasok ni Tyler sa ganitong sitwasyon? Hindi na nga niya ako masipingan binigyan pa niya ako ng malaking problema!" Napadilat ako sa pagdating ng sasakyan ni Tyler. Hindi ko namalayan na inabot na ako ng ilang minuto sa teresa. Pinagbuksan siya ni Pres ng gate. Nagbeso pa ang dalawa pagkalabas ng sasakyan ni Tyler at ng boyfriend nito. Umirap ako. Bakit ba ako napapaligiran ng mga paminta? Ang malala pa'y asawa ko ang isa! Nanliit ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan sa backseat ng sasakyan. Madilim at tanging ilaw ng lamp post sa hardin ang maliwanag. Mula roon ay lumabas ang isang hindi ko kilalang lalaki. O bakla? Nagdadalawang isip pa rin ako kahit sinigurado ni Tyler na lalaki ito. Simula ng makakilala ako ng mga gwapong bakla, sa tuwing nakakakita ako ng gwapo wala na akong tiwala. Palagi akong nagdududa kung totoo ba itong lalaki at pati pilantik ng daliri'y napapatitig ako kung may kakaiba ba. Ito ang naging epekto ng pagtatago sa akin ng kasarian ni Tyler. Binuksan ni Pres ang puting ilaw upang maliwanagan ang sasakyan. Tumaas ang kilay ko nang tumama ang ilaw sa mukha ng lalaki. Hindi siya mukhang bente anyos lang. Matured ang itsura. O siguro dahil seryoso ang bukas ng mukha niya kaya hindi aakalain na bata pa. Matangkad ang lalaki at maganda ang pangangatawan. "Adam, huh?" Ulit ko sa sinabi nitong pangalan niya. Nakatukod ang mga braso ko sa batong railing ng balkonahe at nakatitig sa bawat kilos at ekspresyon niya. Magulo ang kulay tsokolate nitong buhok. Malalim ang mga mata. Matangos ang ilong. Mapula ang mga labi. Maganda ang pagkakahulma ng panga. He's wearing a old gray shirt and old faded jeans. Old cheap traveling bag was hanging on his left broad shoulder. Sure he has a well built body, as if he's often lifting heavy objects and playing sports. Luma ang mga gamit. Nasa ayos niya na wala siyang pera pero mukhang mabango at mayaman. Gumalaw ang ulo nito at inilibot ang paningin sa buong kabahayan. Hanggang sa mapatingala siya at magkatinginan kaming dalawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD