Chapter 6: Maris POV
Pagkasarado ng pinto ay tumakbo ako sa pagbabakasakaling mabuksan ko ito, subalit laking panlulumo ko ng hindi ko mabuksan ang pinto, nakalock ito mula SA labas, sinisipa ko at pinakakalabog ang pintuan, nakailang pakiusap na ako ngunit walang nangyayari nawawalan na ako Ng lakas kakaiyak at Kakawala ko ngunit hindi pa din mabuksan ang pintuan, sa sobrang pagod at iyak ko, nakatulog ako sa sahig, hindi ko namalayan nakatulog pala ako Ng matagal
pagkagising ko nasa kama na ako, at may tray ng pagkain na nakatakip SA may side table, tiningnan ko ang laman sinigang na baboy at kanin, natakam ako bigla, nagutom pagtingin ko SA orasan pasado alas tres na pala Hindi ako nagtanghalian napasarap tulog ko, at dahil sa gutom ay kinain ko ang pagkain sa tray, tinago ko ang tinidor SA gilid ko may armas ako.
Mga ilang minuto pumasok si Sir Marco.
"very good naubos mo ang pagkain, give me the fork beside you, mamaya masaktan ka nyan" saad nito
nagulat ako sa sinabi nito, mayron bang CCTV dito, umikot ang tingin ko SA paligid
"yes you are right may 3 CCTV dito SA loob ng kwarto na to, my love" saad nito
"hayop Ka hayop Ka talaga pakawalan mo na ako please Lang nakikiusap ako sayo" pakiusap Kung muli dito
kinuha ko ang tinidor Sabay amba sakanya ngunit mabilis nyang naagaw ang tinidor Sabay ngisi.
"I told you to give this to me, you've never listen to me" Sabay hawak sakin ng mahigpit
tinapon nya sa malayo ang tinidor.
Sabay tulak sakin sa kama at mabilis na pumatong saakin, at may ibinulong sa tenga ko,
"SA susunod na pagtangkaan mo ako matitikman mo ang hinahanap mo" Sabay ngumisi Ito.
pinulot nya ang tinidor at kinuha ang pinagkainan ko.
"see you later, my love" saad nito
Tumaas mga balahibo ko sa inasta nya, pagkasarado ng pinto, umiyak nalang ako ng umiyak iniisip ko ang aking mga kapatid,
"Saan Kaya sila dinala ng abnormal na amo ko? Ano na kaya ang ginagawa nila? Kumain na ba sila? Sino ang nag aalaga sakanila?" Yan ang nasa isip ko habang umiiyak
"nay gabayan mo po kami Ng mga kapatid ko, ilayo nyo po kami sa kapahamakan." bulong ko sa saaking sarili
Pagkalipas ng isang oras may isang matandang babae ang pumasok SA kwarto may mga dala dalang paper bag, mukhang mga damit ang laman non, pagkakita sakin ng matandang babae medyo nagulat sya at titig na titig saakin, pero ngumiti din kinalaunan.
"ang dami naman ata mga paper bag na Yan" sa isip ko.
"senyorita pinabibigay to ni Sir Marco sayo, mga damit mo daw po yan." Sambit nito
" salamat po, Maris nalang po."
"kayo po ba ang kasambahay dito ni sir Marco?" tanong ko
"oo matagal na din ako naninilbihan sa pamilya nila sir Marco halos saakin na lumaki ang batang yan, mabait naman sya palabiro din kaso lang simula nong nasawi sa pag ibig nabago ang ugali nya, naging seryoso sa buhay minsan nalang ngumiti, at naging mainitin ang ulo". saad nito
"ano po pala pangalan nyo?" tanong ko sa matanda
"tawagin mo nalang akong nanay Teri" sagot nito
"O sya sige at may gagawin pa ako sa Baba, tawagin mo nalang ako pag may kailangan Ka. umalis Kasi si sir Marco ngayon mamaya pa daw ang dating" saad nito
"pwede po ba ako lumabas?" tanong ko.
"nako po senyorita kabilin bilanan po sakin ni Sir na huwag po kayong palabasin, pasensya na po." saad nito
nanlumo ako sa narinig ko, pero dahil sa kagustohan kong makatakas ay tumakbo ako palabas ng kwarto, takbo ako Ng takbo hanggang marating ang hagdanan, ngunit sa pinakababa non ay mayroong lalaki na nakaabang saakin, mukang body guard ito, bumalik ako sa taas, at naghanap ng matatakasan, hinabol naman ako nung body guard, pumasok ako sa isang kwarto at inilock ko ang pinto, tiningnan ko ang nakabukas na bintana, pwede akong dumaan dito, pagsilip ko sobrang taas Ng babagsakan ko.
"paano ako nito makakatakas?"
"isip Ka ng paraan Maris" habang nag iisip ako ng paraan ay nakita ko ang kumot, dalawang klase iyon itinali ko ang magkabilang dulo nito, tsaka ko itinali sa may lamesa balak Kong bumaba gamit ang kumot.
Pababa na ako sakto ang pagbukas ng pinto, dali dali akong bumaba sa kumot, sa sobrang takot hindi pa nangangalahati ay tinalon ko na pababa, pag talon ko napasigaw ako
"araaayyyy arayyyy" ang daing ko habang umiiyak at sinusubukang tumakbo papalayo
"Senyorita wag na po kayong magpumilit at baka po lalong lumala lang yan" sigaw saakin ni Nanay Teri
"ayaw ko po dito, uuwi na po ako samin, inaantay na po ako ng mgakapatid ko". tugon ko dito habang umiiyak
Dahil sa hindi na rin ako makatakbo ng maayos ay nahuli ako nang body guard binuhat ako nito at dinala SA kwarto.
Iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit Ng paa ko at sa panghihinayang na hindi ako nakatakas.
Mga ilang minuto ay may dumating na Dr. tiningnan ang paa ko at may pinainom saakin na gamot.
Pagkaalis ng Dr. mga ilang minuto ay dumating si Sir Marco, madilim ang awra nito nakakatakot.
"What the hell did you do to your self? pagalit na tanong nito
Hindi ko sya inintindi hinayaan ko Lang sya bahala sya dyan Kung Hindi dahil sakanya Hindi to mangyayari saakin, Hindi ako mapipilay at wala ako sa ganitong sitwasyon..
"you need to rest and drink your medicine on time" saad nalang nito Ng Hindi ko pinapansin
Kailangan ko mag isip paano makakatakas dito sa lugar na ito.
kailangan siguro sundin ko muna lahat Ng gusto ng taong yun para maging panatag sya at hindi nya na ako ikulong dito sa loob Ng kwarto para makatakas na din ako Ng tuluyan, kailangan ko din mahanap kong na saan ang mga kapatid ko, simula ngayon magpapakabait muna ako sakanya, ang nasa isip ko upang makuha ang loob ng ni Sir Marco.
Pagsapit ng hapunan ay dinalhan ako ni sir Marco ng pagkain.
"Maris you need to eat your food and drink your medicine" saad nito
"akin na po sir kakainin ko na" SA malambing na Boses
medyo nagulat ito na ibinigay ang tray na may laman na pagkain.
Habang kumakain ako ay panay ang tingin nito sakin
"sir Sabay na po tayong kumain" aya ko sakanya
"it's ok, I will eat later, I need to see you drinking your medicine". sagot nito
"ang sarap Kaya sir Hindi Ka ba naiinggit saakin?" palambing na saad ko
nakita ko ang paglunok nito ng laway, effective siguro ang ginagawa ko. sa loob loob ko.
Pagkatapos ko kumain ay ininom ko na ang gamot ko, gusto ko na din lumakas at gumaling upang maisakatuparan ko ang balak Kong pagtakas dito SA lugar na ito .