MATAGUMPAY silang nakatakas nang hindi napapansin ng mga bantay sa villa, at bago pa sumapit ang alas sais ng umaga ay nakasakay na sila ni Ricci ng eroplano. Naisakay siya nito agad dahil may plane ticket na pala itong nakahanda bago sila pumunta ng airport—at saktong pagdating nila ay flight agad. Natawa na lang siya nang nasa loob na ng eroplano. Tawang-tawa na siya dahil hindi niya akalain na ang dali lang pala tumakas nang hindi man lang sila natunugan kahit napakarami ng mga bantay. “Ang galing mo pala talaga, my husband,” tudo papuri niya pa kay Ricci habang nakasandal na sa dibdib nito at may kinakain nang sandwich. Napangisi lang si Ricci, klase ng ngisi na parang gigil pero nagtitimpi na lang dahil nasa loob pa sila ng eroplano. Ang ginawa nito ay tahimik lang hinaplos-haplos

