PAGPASOK niya sa loob ng mansyon ay wala ang kaniyang ama, tanging mga katulong lang ang sumalubong sa kaniya na parang duda pa nang magpakilala siyang anak siya ng kaniyang amang Clinton Ferare, at nagmula siya pa siya sa Moscow, Russia. Lalo na ang isang babae na kasing edad lang yata niya, nagawa siyang taasan agad ng kilay. Nagpakilala ito sa kaniya sa pangalang Solene at bagong asawa raw ng kaniyang ama, pero talagang pinasadahan pa siya ng mapanuring tingin at nagawa pang tarayan. “Are you sure you're Clinton's daughter?” tanong nito sa mataray na boses at napahaplos-haplos pa sa nakaumbok na tiyan dahil buntis ito. “Baka naman isa ka rin sa mga babae niya? Sinasabi ko sa ’yo ngayon pa lang, gagawin kong impyerno ang buhay mo sa oras na agawin mo siya sa akin.” Hindi niya mapigila
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


