Kabanata 2

1830 Words
Abot-abot ang aking paghinga nang makaakyat sa aking kwarto. Nagtataka sina Mang Yadra kung bakit ako tumakbo at nagmamadaling pumanhik sa taas, at kung bakit basang-basa ako pati ang mga gamit ko pero hindi ako sumagot at halos kumaripas ng takbo. Binaba ko ang mga librong wala nang pag-asa. Gagamitin ko pa naman iyon ngayong linggo para mag-aral pero ngayon, halos mapiga ang mga pahina nito! Gigil kong hinubad ang aking ID at school uniform. Basang-basa! Pati bra ko ay nabasa rin. Sa lakas ba naman ng pressure ng tubig sa hose! Ano bang tinatanggal niya? Putik na natalsik sa kotse o balak niyang baklasin ang sasakyan sa paraan ng paggamit niya sa hose? Pinakalma ko ang sarili ko. Hindi na ako bumaba pa at nanatili sa kwarto buong gabi para ayusin ang ilang pwede pang isalba sa mga libro at gamit ko. Dinalhan na lamang ako ni Manang Yadra ng pagkain kahit ang sabi ko ay hindi na kailangan. Kinabukasan ay maaga akong gumising. Hindi nagawang tuyuin ng electricfan sa taas ang mga pahina kaya naman sinukuan ko na lang iyon. Nagkahalo-halo na rin ang tinta at unreadable na. Wala na ring kwenta kahit matuyo pa. Sinalubong ako ni Manang Yadra nang nasa baba na ako ng hagdan. May dala siyang tray na may lamang mga pagkaing ihahain sa mesa. “Oh, Deborah! Mabuti at tapos ka na. Sakto at naghahain na kami. Sumabay ka na kay Senyorito sa agahan.” Nagtataka akong tumingin sa kaniya habang hawak ang isusuot na navy blue blazer na aking uniform. Nakasuot ako ng puting long sleeves na panloob nito. Maikli ang plaid skirt na kulay grey na siyang partner nitong school blouse. Sa itaas ng tuhod ko ang sukat ng palda at nakikita ang kaunting parte ng aking mga hita. “Sino po ang sinabi n’yo?” pag-uulit ko sa nagtatakang boses. Sinong senyorito? Bumalik na ba si Parker? O kaya isa sa mga pinsan nila? “Manang, mamaya na raw po kakain si Senyorito. Tatapusin niya raw po muna ang ginagawa,” sabi ng isang dumaang maid. Ah, siguro nga ay bumalik na si Parker. Napaaga siguro ang balik niya dahil marami pa siyang gagawin at hahabulin sa mga na-miss niya sa klase nila. Lalo pa at graduating student na siya. “Iinitin ko na lang ang mga ito kung lumamig. Mauna ka na sigurong kumain, Deborah.” “Hindi na po, Manang. Male-late na po kasi ulit ako. Naubos po ang oras ko kagabi sa kakapatuyo sa nabasang libro, kaso lang burado na rin ang sulat. Sayang lang pala sa oras,” mapait na sabi ko habang tinatali ang aking buhok sa isang ponytail. Tiningnan ako ng matanda at umismid. “Kung bakit kasi nabasa ang mga libro mo? Naku, ‘di ka siguro nagdahan-dahan! Ano na ang gagamitin mo niyan?” Ngumuso ako. “Manghihiram po muna ako ngayon sa kaklase ko,” masama ang loob na sagot ko. Sinabihan pa nila akong kumain pero nagpaalam na ako at dumiretso palabas ng entrada ng bahay. Ayaw ko kasing mahuli kapag may recitation dahil kailangan ko munang i-review ang notes ko. Ayaw ko ring mapahiya mamaya at gusto ko masagot ko lahat ng pasikot-sikot sa itatanong sa ‘kin ng guro. Isinusuot ko ang backpack ko nang magawi ang tingin ko sa bandang halamanan. Unang sumalubong sa akin ang bulto ng lalaking nakatalikod habang nagdidilig ng mga halaman. Halos matulala ako. Walang suot na pang-itaas ang lalaki. Parang ‘yong mga nakikita kong modelo sa magazine. Maganda ang likod nito, mas nade-define ang bawat hulma ng biceps sa ginagawang pagdidilig sa mga halaman. Saan kaya sila nakaka-hire ng ganitong hardinero? Nakita kong sinuklay nito ang buhok at pinasadahan ng mga daliri palikod. Tinapat nito ang hose sa ulo hanggang sa pati siya ay mabasa. Namilog ang mga mata ko at bumagal ang hakbang. Dumaloy ang butil ng mga tubig mula sa hose patungo sa buhok at likod nito. Napatulala ako. Hindi ko namalayan ang bawat hakbang ko kaya napatid ako nang mapadaan sa damuhan! Napasinghap ako. “A-Aray,” impit kong daing habang iniinda ang pagliko ng ugat sa paa ko. Napaupo ako sa damuhan habang sapo ang sariling paa. Napalingon ako roon sa lalaki nang marinig ang pagkawala ng lagaslas ng tubig. Pinatay niya ang hose habang nasa akin ang tingin na nakasalampak sa damuhan. Parang may humahalukay sa sikmura ko habang nakikipagtinginan dito. Mabilis lang iyon dahil agad akong nag-iwas. Iniwan nito ang ginagawa at lumapit sa ‘kin. “Ayos ka lang?” tanong niya sabay lahad ng kamay para tulungan ako. Napatingin ako sa kamay niya pabalik sa kaniyang mukha. Oh. Siya pala ‘yong kahapon! Iyong naglinis ng pulang sportscar! Siya nga ba iyong bagong hardinero? Pero Mang Kolas daw ang pangalan n’un, ah? Kolas ang pangalan niya? Ang sabi niya kahapon, Ford ang pangalan niya. Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo mag-isa. Nadumihan ang palda ko at nahulog sa damuhan ang blazer na hindi ko pa nasusuot. Siya ang pumulot niyon habang pinipilit kong makatayo. “Patag na nga ang dinaraanan mo, napatid ka pa,” malalim ang boses na sabi nito. Sa sinabi niya, kulang na lang tawagin niya akong tanga. “Ano ba kasing tinitingnan niyang mga mata mo at ‘di mo maituon sa daan?” Sumilay ang mapang-asar na ngisi sa labi nito. Parang nag-akyatan ang dugo ko sa ulo sa sinabi niya. “A-Akin na iyan.” Binawi ko sa kamay nito ang school blazer ko. Basang-basa siya sa tubig. Tumutulo pa ang ilang butil nito at sa buhok na hinahawi niya para alisan ng tubig. May pagkamoreno siya. Matangkad na matangkad. Nanliliit ako sa sarili dahil sa pagitan ng height namin. Nag-iwas ako ng tingin. Anong klaseng hardinero ito? Ang lakas ng loob mag-topless habang nagtatrabaho. “Deborah! Naku, jusko namang bata ‘to! Anong nangyari sa ‘yo?” tawag ni Manang Yadra dahil sa nadumihan kong palda. Napapahiya akong tumingin dito. “Nalihis po ang heels ng sapatos ko,” sagot ko. Ang takong ng sapatos ko ay halos hindi na napapansin sa ikli nito. Tanga-tanga lang yata ang matatapilok pa rito. Napansin ‘yon ng lalaki dahil mahina siyang tumawa. “Pasensya na po, Senyorito. Ako na po ang bahala kay Deborah,” parang mas napapahiya pang sabi ni Manang. Siniko ako ng matanda na tila ba kahihiyan ako sa harap ng lalaking iyon. Ngumiti lang ang lalaki sabay tingin nang malalim sa ‘kin. May bakas ng ngiti sa amused nitong mukha. “Siya pala iyon, Manang?” “Opo, Senyorito. Hindi bumaba kagabi dahil masama raw po ang pakiramdam.” Parang alien words sa pandinig ko ang pinag-uusapan nila. Anong problema nitong lalaki? Anong ‘siya pala iyon’? At bakit tinatawag niya itong senyorito? Nasaan ba si Parker? “Halika’t magpalit ka ng uniform mo!” yakag ni Manang pero tumanggi na ako. Male-late na ako sa klase kung magbibihis pa ako! “Sa school na lang po ako magpapalit, Manang.” “Saglit at kukuha na lang ako ng palda!” Mabilis nang pumanhik pabalik sa loob si Manang kaya naiwan kaming dalawa ng lalaking nakatingin sa ‘kin. “Ilang taon ka na?” tanong niyang bigla. “Bakit?” Nangunot ang noo ko. He heaved a sigh at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Fifteen? Sixteen?” Hindi ako sumagot. Wala akong balak ipaalam sa kaniya lalo na kung ‘di niya sasabihin kung bakit niya tinatanong. Lumapit ito sa ‘kin at kinuha ang ID ko. Hindi niya iyon natingnan nang matagal kahapon dahil binawi ko agad. Pinisil niya ang detachable ID holder kaya humiwalay ‘yon sa ID lace ko at nagpadala sa kamay niya. “Ibalik mo nga ‘yan!” asik ko at akmang kukunin iyon pabalik pero tinaas niya ang kamay niya at dahil matangkad siya ay hindi ko ‘yon makuha. “BSBA, first year,” banggit niya at binalik ang tingin sa ‘kin. Hinablot ko ang ID ko sa palad niya pero inangat niya ‘yon sa ere. “Akin na iyan!” Iniwas niya ‘yon sa ‘kin at tinaas pa lalo. Napangisi siya habang pilit ko ‘yong kinukuha. “Kung ganoon ay abutin mo.” “Wala akong oras sa kalokohan!” Ngumisi siya at hinarangan ang kamay kong pilit inaabot ang ID. Matangkad talaga siya kaya hindi ko maabot-abot! “Sweet Deborah...” banggit niyang pabulong sa pangalan ko. Napalunok ako habang nakikipaglaban sa mga tingin niya. Kung iniisip niyang matatakot ako sa kaniya, nagkakamali siya! “Anong nakita sa ‘yo ni Lola at sa dinami-rami ng nasa ampunan, ikaw pa ang kinuha?” nakakalokong tanong niyang nakapagpatigil sa ‘kin. Naglalaban ang mga mata naming dalawa, ako na nanahimik sa tanong niya at siyang mapaglaro ngunit seryoso ang mga iginaganting tingin. “Oh? Natahimik ka yata?” puna niya sa biglaang pagtigil ko at pagkamaang. “Ano kayang nakita sa ‘yo ni Lola para ampunin ka? Are you not wondering? Hmm?” Siya... siya ang apo ng Senyora? Tila umakyat sa lalamunan ko ang sariling puso. Napalunok ako. Kung ganoon, siya pala talaga ang tinutukoy ng mga maid na senyorito... “Dahil kaya maganda ka?” Nag-init ang mukha ko, hindi dahil kinilig ako sa sinabi niya kundi dahil iniinsulto niya ako na para bang hindi niya inaasahang gaya ko lang ang aampunin ng lola niya. “Oh? Hindi ka makapagsalita? Parang kahapon at kanina lang, sinisigaw-sigawan mo pa ako? Nasaan na ang tapang mo?” Humalakhak siya sabay bitaw sa braso ko. Hindi ako gumalaw. Nanatili siyang hawak ang ID ko na inangat sa ere, parang sinasabing ibibigay niya lang iyon sa ‘kin kung maaabot ko. “Huwag mo akong tingnan nang masama. A sweet child with an innocent eyes cannot move me, darling...” Bumuntonghininga ako at nilahad ang aking palad. Tiningnan niya lang ‘yon sa halip na ibigay pabalik ang ID ko at ngumisi pa. “Ibabalik mo ba ang ID ko o hindi?” nagtitimping tanong ko. Wala na akong pakialam kung kaninong apo siya, kahit apo pa siya ng pinakamakapangyarihang tao sa mundong ibabaw! Sa halip na ibalik ay mas inilayo niya lang iyon. “Fine,” sagot ko at tinalikuran na siya. He called me, at bago niya pa asahan ay muli ko siyang hinarap. Matangkad siya pero nagawa ko siyang gawaran ng suntok sa sikmura. “F*ck!” Napahawak siya sa kaniyang sikmura. Ang sakit din no’n, ha! Ang tigas! Nasaktan ang kamao ko! “Kung binalik mo lang sa ‘kin, ‘di ‘yan mangyayari,” sambit ko at inikot ang mga mata. Tuluyan ko na siyang tinalikuran kasabay nang pagdating ni Manang at pagbigay sa akin ng bagong palda. “Deborah! You little devil, bumalik ka nga rito!” tawag niya. “Ugh, sh*t, tangina!” For your information, wala akong pakialam kahit apo ka pa ng reyna! Arogante!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD