“H-Hindi nga ako nagseselos... anong akala mo sa ‘kin? Nababaliw katulad mo?” marahas kong tanong sa kaniya, para lang mapagtakpan ang sobra-sobrang pula kong mukha dahil sa ginawa niyang pagnanakaw na naman ng halik. Hindi naniniwala roon si Ford. At hindi niya pa rin ako binibitawan. Hawak niya ang bewang ko at noong napagtanto ko iyon, tinulak ko siya gamit ang kamay kong naiwan sa kaniyang dibdib. Hindi siya nagpadala sa tulak ko, para bang handa siyang maglaan ng lakas at panahon mahuli lang ako at mapigil. “You’re always lying,” matalim niyang sinabi. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na samaan din siya ng tingin. Unti-unting lumamlam ang kaniyang mga mata at naging malumanay. Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong balak na sabihan sa kaniyang nagsesel

