“Congratulations, Deborah!” Iyon ang unang bungad sa akin ng mga kaibigan namin nang pumasok ako. Hindi lang iyon sina Marshiela, Tina, at Princess. Kasama na naman nila ang mga boys. Natawa pa ako kina Cole na nagpasabog ng confetti. Sina Ellie ay busy rin sa celebration sa kanilang department bilang suporta ng mga kaibigan nila. Hindi kami pare-parehas ng taon kaya hindi rin kami masiyadong nagkikita-kita liban na lang noong swimming trainings. Pati mga teachers ay bumabati rin. Nagkaroon pa kami ng picture takings para sa mga awards na nakuha ng San Luciera College, at sa award na rin na nakuha kong bilang silver medalist sa kompetisyon. “Salamat!” saad ko sa kanila. Niyakap ako nina Tina at excited na magpakwento tungkol sa mga nangyari sa swimming competition sa Maynila. “In

