Naging matagumpay naman ang pagkikita namin nina Marshiela. Nakauwi rin siya ulit nang matiwasay sa Maynila. Hindi ko na rin nakausap pa si Alaric. Busy rin kasi ang shift niya at siyempre, baka ay mapagalitan pa kung mahuling nakikipag-usap sa oras ng trabaho. Tuloy, sina Tina ay nagbabalak bumalik sa restaurant na iyon. Kahit masulyapan lang daw si Alaric. Sabi ko na lang kay Alaric ay bibisita ulit ako kay Perseus at kung sakali, isasama ko si Ellie. Pagdating ko pa lang sa tarangkahan ng mansyon, wala nang kapantay ang kabog ng dibdib ko. Medyo hilo na rin ako at minsan pakiramdam ko umiikot ang paligid, nakainom ng kaunti. Pero kaunting-kaunti lang naman. Sadyang hindi mataas ang alcohol tolerance ko! Ilang ulit na akong bumubulong sa isipan na sana ay tulog na si Ford o kaya

