Ngiting-ngiti sina Senyora naman at ang ginang na nagtatanong kanina kasama ang asawa nito ay nangingiti habang pinagmasdan kaming dalawa ni Rafael Torrefiel. Iniwas ko na ang tingin kay Ford. Mabuti na lang dahil mukhang wala naman silang balak na iwan kaming dalawa ni Rafael Torrefiel. Hindi ko rin mahagilap si Parker. Busy na yata! Nakita ko na rin ang mga anak ni Senyora, sina Sir Philip kasama si Madam Elora at Sir Loreanzo kasama ang asawa nito. “My dear, happy birthday!” bati ni Sir Loreanzo at nagbigay ng yakap. Ganoon din ang kaniyang asawa. Lagi silang wala sa mansyon dahil madalas silang mag-travel nang magkasama. “Happy birthday, Deborah! Here’s my gift!” Niyakap ako ng asawa ni Sir Loreanzo. “Salamat, Madam... kumusta po ang travel n’yo?” Ngumiti ako. “Oh, hija, we

