Dumating nga ang napakaraming pagkaing binili nila. Nagkakatuwaan ang buong table dahil sa panlilibre ni Ford. Wala akong nagawa noong nilapag niya ang sandwich na ham and cheese sa aking tray, pati na rin ang iced tea. May kasama pang french fries iyon. Iyon din yata ang binili niya. “Eat now,” saad ni Ford. “Ang dami nito,” saad ko dahil mayroon pa akong salad, pero hindi ko rin namang maiwasang matakam sa sandwich. “Just eat,” dagdag ni Ford. Hindi na ako nagreklamo at kumain. Siya naman ay nanatili roon sa monoblock chair. Habang kumakain, napansin ko ang pagiging malapit nina Kuya Sean at Marshiela. Nag-uusap din sila at nakangiti ang kaibigan ko. Si Kuya Sean din naman ay magiliw ang pagkausap kay Marshiela. Nahuhuli na ba ako sa balita? Bakit parang wala yatang nababangg

