Two years later... “Sweet Deborah Salvatierro, Bachelor of Science in Business Administration, Summa C*m Laude.” Napangiti ako nang narinig iyon bago nilakad ang aking mga paa para tanggapin ang aking diploma at award. Ngumiti sa ‘kin ang nag-abot at nakipagkamay. “Congratulations,” bati ng isang may mataas na ranggong guro at matamis ang ngiti. “Salamat po,” pasasalamat ko at malapad ang ngiti. Nang nahawakan sa aking kamay ang inabot ay napalingon na ako sa harapan mula sa entablado ng convention center. Banayad ko pang naipikit ang aking mga mata sa silaw ng ilaw, as all the graduates with their guardians are very much enjoying each and everyone’s hard-earned milestone. Nang natagpuan ang aking hinahanap sa alon ng mga naroon ay lalo akong napangiti. Nakita ko sina Senyora a

