Dahil sa magandang puntos sa laban na iyon, I advanced into the timed finals. Dalawa na lang kami ni Ellie at hindi na namin kasama pa ang dalawa pa naming teammate. Para sa huling araw namin sa kompetisyon, kaunti na lang ang maglalaban dahil pagtapos nito ay closing ceremony na at itatangghal na ang mga nanalo. Hindi ko alam kung saan ako mas excited, kung sa tagumpay ba na makukuha namin o sa katunayan na makakauwi na kami ng San Luciera! “Grabe ka talaga, Deborah! Sobrang chill mo lang. Hindi ka ba kinakabahan?” namamanghang tanong sa akin ng mga teammates. Ngumiti lang ako at katatapos lang namin sa cool down session. “Kinakabahan naman... pero sakto lang,” sagot ko. Ngumuso si Ellie. “Ako nga nanginginig, eh! Pakiramdam ko ay mamumulikat ako habang nasa gitna. Tsk! Bukod sa

