“Achelois, I said be careful!” saad ni Senyora Isabela habang sinesenyas ang gilid ng swimming pool sa apo. Naglalakad ako palapit sa kanila. Achelois and his school friends are here. At si Senyora, hindi mapigilang mag-alala sa mga bata dahil sa pinaggagawa sa swimming pool. “Senyora,” tawag ko rito. Napalingon naman sa akin si Senyora Isabela. Napailing-iling siya sa mga bata at pagtapos ay naglakad kaunti palapit sa akin upang harapin ako. “Oh, dear, may lakad ka ba ngayon?” tanong nito. Umiling lamang ako. Niyakap ko ang dalawang kamay sa aking mga braso at napatingin sa swimming pool. Wala naman akong lakad at kakababa ko lang din mula sa room ko. “Uhm, may gusto po sana akong ikwento sa inyo, kung ayos lang po, Senyora,” saad ko. Bagaman nagtataka, tumango si Senyora Is

